May dahilan kung bakit naka-seal ng husto ang plastic container ng Boysen products. Sadya ito para hindi madaling matapon ang pintura kung aksidente man itong tumagilid o malaglag kapag ‘di pa bukas. Kaya lang, dahil din dito, mahirap talaga itong buksan. Sa mga nagsa-struggle, ito ang newbie-friendly Boysen tutorial para sa ’yo.

Step 1: I-check ang Seal

Bago ang lahat, tingnan muna kung buo at ‘di damaged ang tamper-resistant seal ng iyong plastic container ng pintura. Maaring nabuksan na ng iba o napakialaman na ang pintura kapag sira na ang seal. Kapag ganito, mas mabuting ‘wag na gamitin ang pintura at kumuha ng iba na buo ang seal.

Step 2: Kumuha ng Tools

Boysen Tutorial: Paano Magbukas ng Boysen Plastic Container | MyBoysen

Walang duda, mahihirapan ka talagang buksan ang Boysen plastic container pag kamay lang ang gamit. Ang sikreto sa madaliang pagbukas nito ay tamang kagamitan. Kakailanganin mo ng tools. Maghanda nito:

• Maliit na kutsilyo o pocket knife
• Screwdriver

Step 3: Tanggalin ang Seal Gamit ang Tools

Boysen Tutorial: Paano Magbukas ng Boysen Plastic Container | MyBoysen
Screenshot from our instructional video. Watch here.

Ngayong may tools ka na, ang unang gagawin ay tatanggalin ang seal na nakapaikot sa takip ng pintura.

Ilapag ang pintura sa stable na surface. Hanapin ang tab dahil nandito ang dulo ng seal.

Gamit ang kutsilyo, maingat na hiwain ang seal hanggang kaya nang iangat ang nasa 1 hanggang 2 inches na dulo nito. Hawakan ang dulo ng seal na nakaangat na at punitin ang kabubuan ng seal na nakapalibot sa takip ng pintura.

Step 4: Luwagan ang Takip Gamit ang Tools

Boysen Tutorial: Paano Magbukas ng Boysen Plastic Container | MyBoysen
Screenshot from our instructional video. Watch here.

Nakatanggal na ang seal pero mapapansing hindi pa rin madaling maiiaangat ang takip ng pintura. Kailangang luwagan muna ito.

Kunin ang iyong screwdriver at ipasok ito sa ilalim ng gilid ng takip para lumuwag ito. Gawin ito sa buong paligid ng takip hanggang madali na itong maiaangat.

Step 5: Buksan ang Container

Tanggalin ang takip. May bukas ka nang plastic container ng Boysen!

Boysen Tutorial: Paano Magbukas ng Boysen Plastic Container | MyBoysen
Screenshot from our instructional video. Watch here.

Bonus Tip: Pagsasara ng Maayos Para Maitabi

Kung may matira mang pintura, kailangan maisara ulit ng maayos ang container para maitabi ang pintura para sa susunod na paggamit.

Bago isara ang container, punasan ang anumang pintura sa labi nito. Ginagawa ito para matiyak na maisasara ng mabuti ang takip.

Ibalik ang takip at siguraduhing selyado ito ng mabuti. Kung kailangan, pukpukin ito ng martilyo para lumapat.

Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.