Ang paglalason ay kasama sa surface preparation kapag magpipintura ng bagong kongkretong pader. Kaya naman, hindi na nakapagtaka na marami kaming natatanggap na katanungan ukol sa paglalason. Alamin ang sagot sa mga frequently asked questions sa pag-neutralize ng kongkretong pader dito.
Bakit kailangang lasunin ang kongkretong pader?
Kailangang tama ang pH ng iyong kongkretong pader para hindi maapketuhan ang kapit at tibay ng ipapahid na pintura. Para dito, kailangan munang lasunin ang pader bago magpintura.
Ang Boysen Masonry Neutralizer ay ginagamit bilang panglason sa mga konkretong pader na naipatuyo na ng 14 – 28 days. Ang acid solution na ito ay inihahalo sa tubig at pinapahid sa concrete surface para matanggal ang mga namuong umido o alkali salt dito at maitama ang pH ng pader.
Anong maaaring mangyare kapag hindi nilason ang kongkretong pader?
Maaaring magkaroon ng paint defect na tinatawag na efflorescence. Ito ay ang umido o alkali salt sa loob ng kongkreto na sumasama sa tubig habang ito ay kumakatas o natutuyo. Ang mga ito ay nagrereact sa pintura at nagkakaroon ng tila pagmamapa at pamumuti.
Kapag matagal na ang kongkretong pader, kailangan pa ba itong lasunin?
Kung naipatuyo na ang semento ng higit pa sa 1 buwan, puwedeng hindi na ito lasunin.
Bago magpintura, magpasaliha para matanggal ang dumi at siguraduhin na malinis at tuyo ang kongkreto bago pahiran ng pintura.
Kung rough ang pader ko, kailangan pa ba itong lasunin?
Makinis man o rough ang pader, kailangan itong lasunin bago pinturahan. Patuyuin muna ang semento ng 14 – 28 days bago lasunin.
Kung papahiran ng skimcoat, kailangan pa bang lasunin ang pader?
Depende sa skimcoat na gagamitin.
Kung Konstrukt Permaplast K-201 High Performance Acrylic Skimcoat ang gagamitin, hindi na ito kailangang lasunin. Siguraduhin lang na naipatuyo na ang semento ng at least 7 days. Kung ibang brand naman ang gagamitin, mainam na kumonsulta sa manufacturer ng skimcoat para sa proper product use.
Kung may skimcoat na ang pader, kailangan pa ba itong lasunin?
Hindi na. Kung may skimcoat na ang kongkretong pader, hindi na ito puwedeng lasunin.
Kung may pintura na ang pader, kailangan pa ba itong lasunin?
Hindi na. Kung may pintura na ang kongkretong pader, hindi na ito puwedeng lasunin.
Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.