Walang takas sa ulan pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas. Paano na niyan kung kailangan mo magpintura, lalo na kung exteriors? Alamin ang sagot dito sa blog post na ito at iba pang frequently asked questions ukol sa pagpipintura tuwing tag-ulan.

Puwede bang magpintura sa loob ng bahay kahit na umuulan?

Naapektuhan ng lamig at klima ang pagtuyo ng pintura. Kaya, generally, mas mainam na magpintura during good weather conditions.

Kung hindi maiwasang magpintura, mabuting mahabaan ang drying time at repainting interval ng produktong gagamitin. Makatutulong din ang pagkakaroon ng proper ventilation sa area na pipinturahan.

Para malaman ang drying time at repainting interval ng isang produkto, basahin ang product info sa label ng packaging o tingnan ang product page nito sa Boysen website.

FAQs: Pagpipintura Kapag Tag-Ulan | MyBoysen

Puwede bang magpintura kaagad ng kongkretong pader sa labas kung kakatapos lang umulan?

Hindi puwede. Posibleng ang kongretong pader ay may moisture pa sa loob na puwedeng maging sanhi ng agarang pagtuklap ng pinturang ipapahid.

Pagtapos ng ulan, patuyuin muna ang pader at magpintura pagkalipas ng isa o dalawang araw.

Puwede bang pahiran ng pintura ang pader kapag basa pa ito?

Hindi puwede. Maaaring maapektuhan ng moisture ang adhesion o kapit ng pintura. Sa pagtagal, maaaring magresulta ito sa mga paint defects tulad ng peeling, efflorescence at iba pa.

Gaano katagal dapat matuyo ang pintura bago ito puwedeng maulanan?

Depende sa drying time ng produktong ginamit at sa iba pang mga kundisyon (hal. klima, panahon, kundisyon ng substrate na pipinturahan, at iba pa).

Tip: Hindi dahil “dry to touch” ang pintura, nangangahulugan na puwede na itong maulanan. Imbes na hawakan ang surface, mas mainam na tingnan kung nakalipas na ang drying time na nakasaad sa product info nito. Para malaman, i-check ang label ng packaging o tingnan sa Boysen website.

FAQs: Pagpipintura Kapag Tag-Ulan | MyBoysen

Puwede bang magbarnis kapag umuulan?

Not recommended. Dahil sa karagdagang moisture sa kapaligiran na maaaring mamuo sa kahoy, puwede itong magresulta sa tinatawag na “moisture blushing”. Ang moisture blushing ay ang pamumuti ng pintura o varnish dahil sa tubig o moisture na na-trap dito.

Kung hindi maiwasan, maaaring maghalo ng Boysen Lacquer Flo sa mga lacquer-based products.

Step 1:

Maghalo ng hindi lalampas sa 10% by volume ng Boysen Lacquer Flo sa Boysen Lacquer Thinner

Step 2:

Ihalo ang lacquer-based product ng Boysen (hal. Boysen Automotive Lacquer, Boysen Lacquer Sanding Sealer, at iba pa) sa natimplang mixture mula sa Step 1. 1 is to 1 ang average ratio.

Siguraduhing masunod ang mga steps na ito upang maiwasan ang adverse reactions na maaaring makaapekto sa kalalabasang ganda at tibay ng pintura or varnish.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.