Hindi pintura pangkotse ang Boysen Automotive Lacquer. “Automotive” ang tawag dito dahil sinusubukan nitong gayahin ang kintab ng pintura ng mga kotse. Kadalasang tinatawag na “Duco finish” ang mga painted surfaces na may ganitong kintab.
Kung hindi ka pa familiar sa Boysen Automotive Lacquer, pumunta dito para sa product page nito. Pero, kung may alam ka na tungkol sa paint product na ito, makakatulong ang mga tips at advice mula sa Boysen Technical Department para sa susunod mong paint project.
I-apply Gamit ang Spray Gun
Kailangan spray gun ang gagamitin sa pag-apply ng Automotive Lacquer. Magkakaroon ng brush at roller marks kapag brush o roller ang ginamit pang-apply. At dahil smooth at mala-reflective finish ang dapat kalabasan ng iyong pagpintura, hindi ito maa-achieve kapag may visible marks sa surface.
Ang paggamit at pag-apply din ng Automotive Lacquer ay hindi para sa mga baguhan sa pagpipintura. Mainam na propesyonal o experienced na pintor ang mag-apply nito.
Huwag kalimutan na maghalo ng Boysen Lacquer Thinner sa maximum na 1:1 ratio sa iyong Automotive Lacquer bago ito ilagay sa spray gun. Maglatag din ng diyaryo or anumang pantakip sa ano mang bagay na ayaw mo malagyan ng pintura.
Pag-iwas sa Moisture Blushing
Kapag nae-expose ang mga lacquer-painted surfaces sa tubig at moisture, maaring may lumabas na pamumuti sa pintura. Ito ay tinatawag na moisture blushing. Para maiwasan ang moisture blushing, kakailanganin mo ng Boysen Lacquer Flo.
Pagkatapos maihalo ang Lacquer thinner sa Automotive Lacquer, atsaka ihalo naman ang Lacquer Flo sa 10% ng volume ng iyong mixture.
Kung naguguluhan, ito ang isang halimbawa. Sabihin nating mayroon kang 1 litro ng Automotive Lacquer. Una, hahaluan mo ito ng 1 litro ng Lacquer Thinner (1:1 ratio). Pagkatapos ito gawin, magkakaroon ka ng mixture na may volume na 2 litro. Ngayon, maghalo naman ng 200 mL na Lacquer Flo—dahil ito ang amount na 10% ng 2 litro. Ilagay na ang mixture sa spray gun. Ready na ito mai-spray.
Para sa Interiors Lamang
Recommended lamang sa interior surfaces ang Boysen Automotive Lacquer dahil maaring ma-damage ang paint film kapag na-expose ito sa araw. Ang UV rays na galing sa araw ang sumisira sa binder ng pintura na nagdudulot sa paint problems katulad ng flaking. At, para maiwasan naman ang moisture blushing, hindi rin mabuti na ma-expose ang Automotive Lacquer sa ulan.
Pag-achieve ng Iba Pang Kulay
Ang readily available colors ng Automotive Lacquer ay puti at itim. Para maka-achieve ng iba pang kulay, puwedeng i-tint ito gamit ang Boysen Automotive Lacquer Tinting Colors sa maximum na 1:16 ratio ng tinting color sa lacquer paint.
Mayroong 6 na kulay ng tinting colors. Maaring maghalo ng mahigit sa isang kulay ng tinting color para makakuha ng iba pang shades. Kailangan lamang na hindi lalampas sa recommended ratio. Panoorin ang video sa baba para makakuha ng inspirasyon kung papaano gumamit ng tinting colors.
Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.