Good day!
Pininturahan namin ng Boysen Permacoat Latex semi-gloss yung pintuan namin. Gusto ko patungan ng pampakintab. Tama po ba na ‘di puwedeng gamitin yung Boysen Clear Acrylic Emulsion as topcoat?
Tanong ko na rin po kung puwede ba ipahid yung Boysen Clear Acrylic Emulsion over existing na topcoat tapos papatungan ulit ng panibagong topcoat?
Thank you.
From,
Boysen User K
Hi din Boysen User K,
Tama ka! Hindi puwedeng gamitin na pampakintab ang Boysen Clear Acrylic Emulsion.

Marami rin ang nagaakala na puwede gamitin pampakintab ang Boysen Clear Acrylic Emulsion dahil transparent ito at may glossy finish. Kaya lang hindi siya formulated para sa ganitong purpose. Pag ginamit siya as topcoat, malaki ang chance na manilaw na ‘to kaagad within a few weeks or months pa lang.
Ang purpose ng Clear Acrylic Emulsion ay to act as a barrier against moisture para makaiwas sa paint problems katulad ng blistering at peeling. Nagiging parang sealer ito para yung moisture na galing sa kongkreto ay di tatagos at sisira sa pintura mo.
Para maging effective, pinapahid ang produkto na ‘to sa pagitan ng primer at topcoat. Ito ang best placement niya. At kung magwo-wallpaper, pinapahid ito bago i-install ang wallpaper para maiwasan ang water damage sa wallpaper.

Para sa future painting projects, kindly note rin na hindi advisable na gamitin ang Boysen Permacoat Latex sa mga high friction at movement surfaces (a.k.a. mga gamit na madalas hinahawakan at ginagalaw) katulad ng pinto at cabinets. Para rito, mas mainam na gumamit ng pintura na specifically formulated para sa ganitong use at surface katulad ng Boysen Quick Drying Enamel.
Good luck! Kung may karagdagang katanungan, puwede ka rin tumawag sa Boysen Technical Department para sa libreng one-on-one consultation. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418.
Your painting partner,
Lettie
Kailangan mo rin ba ng painting advice? Magtanong sa Paint TechTalk with Lettie gamit ang comment section sa ibaba o mag-send ng email sa ask@myboysen.com.