We’ve received a few inquiries lately about primers for roofs. Lettie answers one. Let’s check it out!
—
Hello.
Ask ko lang po, ano pong Boysen products ang pang-prime ng roof?
From,
Boysen User V
—
Hi Boysen User V,
Ang topcoats para sa bubong—Boysen Roofgard at Boysen Cool Shades—ay maaaring gamitan ng iba’t ibang primer. Kung ano ang gagamitin ay nakadepende sa kung saang material gawa ng iyong bubong, kung bago ba ito, o may pintura na.
Para sa Unglazed Roof Tiles
Madalas nang gamitin ang unglazed roof tiles sa mga bahay ng mga Pinoy. At maari mong pinturahan ito ng Boysen Roofgard o Boysen Cool Shades para sa dagdag proteksyon sa panahon.
Ang primer na gagamitin para sa unglazed roof tiles ay Boysen Permacoat Latex White o Boysen EcoPrimer. Gamitin ang alinman dito para sa tamang kapit ng iyong topcoat. Acrylic-based naman ang Roofgard at Cool Shades kaya compatible pa rin kung gagamit ng iba pang acrylic primer.


Para sa New GI Sheets
Kung bagong install o bagong palit ang metal sheets ng iyong bubong, maaring gamitin ang Boysen Primeguard White. Lalo na kung Boysen Cool Shades ang gagamitin na topcoat, inirerekomenda ang paggamit ng Primeguard White para sa maximum cooling effect nito.

Water-based na primer ang Boysen Primeguard na may maganda pa rin na kapit sa metal surface. At dahil water-based nga ito, mas mabilis ang dry time kumpara sa ibang primer.
Pero maari pa rin naman gamitin ang iba pang metal primers tulad ng Boysen Red Oxide Metal Primer, Boysen Rust Off, o Boysen Epoxy Primer para sa new GI sheets.
Para sa Old GI Sheets
Tandaan na ang Boysen Primeguard na para sa bagong metal sheets ay hindi maaaring gamitin sa lumang substrates na may kalawang na.
Kung may kalawang o rusting, kailangan muna itong tanggalin bago pahiran ng pintura o primer. Tanggalin muna manually, gamit ang sandpaper at steel brush, ang kalawang.
Tapos, pahiran ng Boysen Metal Etching Solution gamit ang brush. Maghintay ng 10–15 minuto habang tinatanggal ng solution ang kalawang. Ulitin ang proseso hanggang matanggal ang kalawang nang husto.
Pagkatapos tanggalin ang kalawang, pahiran agad ng primer para maiwasan ang flush rusting, o biglang pagkakaroon ng kalawang na mukhang splash marks. Ang primer na gagamitin ay Boysen Red Oxide Metal Primer o Boysen Rust Off.

Mainam na gamitin ang mga primer na ito dahil sa rust-inhibiting properties nito. Hindi agad kakalawangin ang iyong bubong. Piliin lamang primer batay sa kulay ng topcoat. Maari rin gamitin ang Boysen Epoxy Primer.
Para sa Metal Sheets na May Existing Paint
Kung may existing na pintura na ang bubong, hindi na kinakailangan gumamit ng primer. Direktang nang ipahid ang iyong piniling topcoat.
Pero kung ang metal sheet na may pintura ay kinakalawang, kailangan munang tanggalin ang kalawang gamit sandpaper at steel brush, at i-treat ng Boysen Metal Etching Solution.
Pagkatapos, mag-spot prime agad sa bahagi na tinanggalan ng kalawang at iba pang bahagi na lumilitaw ang bare metal substrate. Ang primers para dito ay Boysen Red Oxide Metal Primer, Boysen Rust Off, o Boysen Epoxy Primer.
Sana nakatulong ang mga impormasyong ito. Happy painting!
Your painting partner,
Lettie
—
Para sa iba pang katanungan, magtanong lang sa Paint TechTalk with Lettie. Mag-send ng email sa ask@myboysen.com o gamitin ang comment section sa ibaba.