Baka nakagamit ka na ng Boysen Acrytex o baka naman iniisip mong unang beses itong gamitin para sa upcoming paint project. Alin ka man diyan, magiging useful ang mga tips at tricks na ito mula sa Boysen Technical Service Department.
Cobwebbing at Paano Ito Maiiwasan
Isa sa mas madalas na nangyayari kapag gumagamit ng Boysen Acrytex kumpara sa ibang pintura ay ang cobwebbing. Ang cobwebbing ay isang coating defect kung saan may tila sapot na namumuo sa surface habang pinapahid ang pintura. Nangyayari ito kapag masyado mabilis natutuyo ang pintura sa surface.
Para ma-counter ang cobwebbing, payo ng Boysen experts na maging maingat na huwag mag-overcoat ng pintura. Ibig sabihin, huwag ulit-ulitin ang pagpasada sa isang area. Kung issue pa rin ang cobwebbing, maaring haluan ang Acrytex ng Acrytex Reducer sa max ratio na 4:1.
Pag-achieve ng Textured Finishes
Ang Boysen Acrytex Cast ay ginagamit bilang putty sa mga surfaces na pipinturahan ng Acrytex topcoat. Maliban dito, puwede rin i-apply ang Boysen Acrytex Cast gamit ang spray gun para maka-achieve ng iba’t ibang textured finishes.
Para rito, i-prime mung ang surface gamit ang Acrytex Primer. Sunod, maghalo ng Acrytex Reducer sa Acrytex Cast bilang thinner hanggang ang lapot ng mixture ay maari nang gamitin pang-spray. Pagkatapos, i-spray ang mixture sa surface gamit ang spray gun. Puwede nang i-apply ang topcoat.
Huwag kalimutan na kailangan mai-flatten ang textured finish kapag na-apply na. Para rito, magbasa ng wooden roller at igulong ito sa textured surface.
Repainting Gamit ang Boysen Acrytex
Nakasaad sa product information ng Boysen Acrytex (na makikita sa packaging label, sa Boysen website, at sa Boysen App) na pinapahid lamang ang Acrytex sa bare concrete at surfaces na nakapintura na ng Acrytex. May rason ito.
Hindi puwedeng ipatong ang Boysen Acrytex sa ibabaw ng ibang pintura, kagaya ng water-based at oil-based na mga produkto, dahil masisira nito ang coating na nasa ilalim. Magdudulot ito ng paint problem na tinatawag ng mga pintor na “pagchi-chicharon.” Kung hindi man magpapakita ang problema na ito sa mismong pagpapahid pa lang ng pintura, lalabas at lalabas din ito sa agarang panahon.
Kung may existing na pintura na sa iyong surface na water- o oil-based at nais mong mag-repaint gamit ang Boysen Acrytex, kailangang lubusang matanggal muna ang lahat ng existing na pintura.
Ang Boysen Acrytex ay kilala sa pagiging pinturang matibay at pangmatagalan. Pero, hindi mo makukuha ang mga features at properties na ito kapag hindi mo nasunod ang product instructions at application procedure.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Boysen Acrytex, maraming articles dito sa Let It B na nakapagbibigay ng karagdagang kaalaman, kagaya nito: Product Highlight: Boysen Acrytex.
Para naman sa mga katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.