Sa wakas, magsisimula ka na ng pinakauna mong DIY painting project. Nakapagbasa ka na tungkol sa painting tools na gagamitin, surface preparation na isasagawa, kung paano mamili ng pinakaswak na kulay, ang pagkakaiba ng paint sheens, at kung saan bibili ng pintura. Pero, marunong ka na ba mag-estimate kung gaano kadaming pintura ang kailangan mong bilhin?
Huwag mangamba. Ito ang puwedeng gawin para makapag-estimate ng pintura.
Manual Computation
Sabihin nating may kongkretong pader na gusto mong pinturahan ulit ng bagong topcoat. May height na 3 meters ang kisame at may width na 10 meters ang pader.
Balak mong gumamit ng Boysen Permacoat Latex in semi-gloss na may product coverage na 30 square meters per 4 liters (ang product info na ito at iba pa ay makikita sa label or packaging). Maga-apply ka din ng 2 coats ng pintura.
Step 1:
I-multiply ang height at width para malaman ang area in square meters ng pipinturahan.
height of 3 meters x width of 10 meters = 30 square meters
Step 2:
Alamin ang formula para sa paint estimation.
( area in square meters / product coverage ) x no. of coats = no. of gallons of paint
Step 3:
I-substitute ang mga values gamit ang details ng iyong project.
(30 square meters area to be painted / 30 square meters product coverage ) x 2 coats = no. of gallons of paint
Step 4:
Mag-compute para malaman ang total.
Total amount needed = 2 gallons o katumbas ng 8 liters ng pintura
Tandaan na ang 1 gallon ay katumbas ng 4 liters. Kaya, kapag na-convert to liters ang 2 gallons of paint, malalaman natin na kailangan mo ng 8 liters ng Boysen Permacoat Latex para sa pagpipintura ng topcoat ng pader mo.
Boysen Paint Calculator
Mas mapapadali ang pag-estimate ng kakailanganing pintura kung automatic na ang pag-compute, hindi ba? Kapag Boysen ang napili mong pinturang gagamitin, ‘di na kailangan ng formula! May dedicated paint calculator ang mga Boysen products.
Puwedeng ma-access ang Boysen Paint Calculator via the Boysen website o kaya naman by downloading the Boysen App. Walang pinagkaiba sa paggamit ng useful paint tool na ito whether website man or app ang mas prefer mo.
Step 1:
Mamili sa options na lalabas para ma-input ang project details.

Step 2:
Piliin ang Boysen product na gagamitin.
Step 3:
Ilagay ang surface area (height x width) ng pipinturahan. (Note: Kapag nasa Boysen website, mag scroll sa gawing baba.)
Step 4: Kunin ang results!
Mainam na mabili ang lahat ng kailangan na pintura bago simulan ang project para masiguradong pantay ang kalalabasang kulay ng paint project mo. Puwedeng i-check ang available packaging ng Boysen products–1-liter, 4-liter, o 16-liter–sa Boysen website at Boysen app.
Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
2 Comments
Highly appreciate this. Thanks.
Thanks for your feedback.