Sabihin nating bumili ka ng 4L na lata ng Boysen Quick Drying Enamel na kulay puti. Readily available color siya kaya madali mong nabili sa hardware store. Pero, pagkauwi, nagbago ang isip mo at gusto mo na pala ng pintura na may kulay. ‘Wag magalala, ‘di masasayang yung nabili mong pintura. Kailangan mo lang ng Boysen tinting colors o colorants.

Ano Ang Tinting Colors

Available Boysen Tinting Colors | MyBoysen

Ang Boysen tinting colors ay hinahalo sa puting pintura para maibago ang kulay nito. Nabibili ang tinting colors sa 1/4 liter containers at sa iba ibang kulay. Puwede ring gumamit ng higit sa isang tinting color para makapagtimpla ng ninanais na kulay.

Tandaan na hindi puwedeng gamitin mag-isa ang tinting colors. Hindi ito pintura. Ang tinting colors ay concentrated colors lamang at hindi dapat pinapahid sa surfaces na galing diretso sa lata. Kailangan maihalo muna ito sa naangkop na base paint product.

Tandaan din na nakadepende sa paint product ang Boysen tinting color na gagamitin. Halimbawa, Boysen Oil Tinting Colors ang ginagamit na colorant para sa Boysen Quicky Drying Enamel. Boysen Latex Colors naman para sa Boysen Permacoat.

Pagsunod sa Ratio

Mix Your Own Paint Colors with Boysen Colorants and a Handy Boysen App Tool | MyBoysen

Ang maximum na pwedeng ihalo na tinting colors sa isang base paint product ay 1:16 lamang. Ito ay katumbas ng 1/4 liter or 250 mL ng colorant sa bawat 1 gallon or 4 liters ng pintura. Kapag lumampas sa recommended maximum ratio o “over-tinting”, maaari itong humantong sa adverse effects, tulad ng maagang pagkupas ng pintura.

Ibig sabihin nito, kapag mayroom kang 4 liter na lata ng pintura, maari mong ihalo ang isang buong container ng 1/4 Boysen colorant para makakuha ng pinaka-saturated na kulay. Kapag gagamit ng higit sa isang kulay ng colorant, kailangan pa ring siguraduhin na hindi ka lalampas sa 1:16 na ratio o 1/4 litro na mga colorant sa bawat 4 na litro ng pintura.

Pagtitimpla ng Pastel to Medium Shades

Dahil sa maximum ratio, meron lamang hangganan ang puwedeng ihalong colorant sa pintura. At dahil dito, pastel to medium shades lamang ang kayang timplahin gamit ang Boysen tinting colors.

Huwag magalala kung hindi mo masyadong gamay ang pagtitimpla ng kulay ng pintura. Puwedeng panoorin ang video sa taas para magka-idea kung paano makaka-achieve ng ibat’ ibang kulay. O kaya naman, puwede ring konsultahin ang Mix Your Colors tool sa Boysen App.

Ang Mix Your Colors ay isang painting tool sa Boysen App kung saan makakakita ng “library of colors” na puwedeng gayahin gamit and tinting colors. Nakasulat dito ang “recipe” na kailangan lamang sundin. May feature din na puwedeng mag-experiment sa paghahalo ng sarili mong kulay kung saan magsisimula ka sa isang lata ng puting pintura na puwedeng haluan ng hanggang tatlong colorant.

Excited? Subukan nang magtimpla ng sarili mong kulay ng pintura gamit ang Boysen tinting colors!

Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.