Bago ang lahat, ano nga ba ang skimcoat? Isang surface preparation product ang skimcoat. Ito ay alternative plastering material na ginagamit para makatamo ng makinis na palitada, o smooth plastering.
Kaya nitong mag-correct at repair ng surface imperfections katulad ng hairline cracks, bubbles, honeycombs, at iba pang concrete defects. Madalas kayang i-correct ng skimcoat ang mga imperfections na may lalim na 2mm o 3mm.
Ang Konstrukt Permaplast K-201 High-Performance Acrylic Skimcoat ay isang example ng skimcoat. Ito ang mga mainam na malaman tungkol sa produkto na ito bago gamitin para sa project.
Magsagawa ng Angkop na Surface Preparation
Hindi maikakaila ang kahalagahan ng surface preparation bago ang application ng product—pintura man o skimcoat. Sa pagsasagawa ng angkop na surface preparation, natitiyak ang magandang pagkapit ng produkto sa surface. Ang magandang pagkapit, o good adhesion, ay mahalaga para matamo ang best performance ng produkto at mapadali at mapabilis ang application process.
Bago mag-apply ng skimcoat, kailangan muna i-scrape ang surface gamit ang painter’s spatula para maalis ang anumang loose concrete. Pagkatapos, basain at linisin ang surface gamit ang basang basahan. Ito ay makakatulong para maailis ang anumang dumi sa surface at maiwasan ang force-drying, o masyadong mabilisang pagtuyo, ng skimcoat pag na-apply na.
Alalahanin ang 1 Oras na Pot Life
Pot life ang tawag sa oras kung gaano katagal puwedeng magamit ang skimcoat pag naihalo na ito sa semento. Kapag nakalipas na ang pot life, magsisimula nang mamuo ang mixture at magiging mahirap na ito haluin at i-apply. Tandaan, hindi ito puwedeng lagyan ng tubig para lumabnaw ulit.
Ang pot life ng Konstrukt Permaplast K-201 High-Performance Acrylic Skimcoat ay 1 oras. Ito ang dahilan kung bakit hindi puwedeng itago para magamit muli ang naihalo nang skimcoat sa semento.
Mag-apply ng 2 Mano o Coats
Madalas kami nakakatanggap ng tanong mula sa homeowners at mga pintor kung puwedeng isang mano, o coat, lamang ng skimcoat ang i-apply sa surface. Marahil ito ay para mapabilis ang trabaho o makatipid sa materyales.
Subalit, ayon sa Konstrukt engineers mas mainam pa rin na sundin ang recommended na 2 mano ng skimcoat. Ito ay para masiguradong natapalan nang maigi ang anumang cracks, butas, at iba pang surface imperfections.
I-spot Prime ang Hairline Cracks
Kapag na-apply na ang skimcoat, puwedeng mapansin na may hairline cracks sa natuyong mano. Normal lamang ito at madaling solusyunan. Ayon sa Konstrukt engineers, maaring i-spot prime ang mga ito gamit din ang skimcoat.
Tandaan na kailangan muna siguraduhing walang kapak, o debonding, sa bagong mano na skimcoat. Kapag may kapak, ibig sabihin may mali sa pagka-apply nito. Mapapansin ang kapak kapag kinatok ang surface at ang tunog ay para bang may uwang sa pagitan ng kongkreto at skimcoat.
Linisin ang Concrete Mixer Pagkatapos Gamitin
Napapadali ang paghalo ng binistay na semento sa Konstrukt Permaplast K-201 kapag gagamit ng concrete mixer. Siyempre, kailangan linisin ang mixer pagkatapos ito gamitin para hindi tumigas ang skimcoat sa tool. Puwedeng gumamit ng hose pero may mas madaling paraan.
Ilublob ang concrete mixer sa isang balde ng tubig. Paikutin ito hanggang matanggal at malinis ang lahat na naiwang semento sa mixer.
Kung naghahanap ng iba pang impormasyon tungkol sa Konstrukt Permaplast K-201 High-Performance Acrylic Skimcoat at iba pang Konstrukt products, pumunta sa Konstruktchem.com at Boysen.com.ph.
At, para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.