Kapag pintura para sa mga pader ng bahay ang kailangan, ‘di ka magkakamali sa Boysen Permacoat Latex. Ito ay 100% acrylic at outstandingly durable, excellent sa pagtago ng imperfections at flaws sa pader, at resistant sa dumi.
Popular na produkto ito kaya ‘di na nakapagtataka na marami kaming natatanggap na tanong tungkol dito. Ito ang mga pinakamadalas naming nakukuha at ang mga sagot.
Puwede ba ‘to sa labas?
Oo, ang Boysen Permacoat Latex ay formulated para sa mga kongkretong pader sa loob at labas ng bahay. Maaasahang durable paint product ito, kaya ‘di kailangang magalinlangan ano man ang panahon.
Puwede ba ‘to sa drywall?
Madalas, puwedeng gamitin ang mga water-based paint systems, tulad ng Boysen Permacoat Latex, para sa drywall. Pero, mainam pa rin na kumunsulta sa manufacturer ng iyong drywall kung hindi ka sigurado.

May iba pa bang kulay bukod sa puti?
Madami! Ang Boysen Permacoat Latex ay kilala para sa mga puti nitong kulay katulad ng B-701 na primer at topcoat in one na. Bukod dito, madami pa itong standard colors na readily available sa mga hardware store at depot. ‘Di na kailangan maghalo.
Para makita ang mga standard colors ng Boysen Permacoat Latex, magtungo sa Boysen website o kaya i-download ang Boysen App. Para sa mas malawak pa na selection, pumunta sa pinakamalapit na Boysen Mix & Match Color Station.
Anong mga sheen ang available?
May 3 sheens ang Boysen Permacoat Latex: flat, semi-gloss, at gloss.
Odorless ba ‘to?
Hindi lubusang odorless ang Boysen Permacoat Latex. Pero, dahil water-based paint ito, wala siyang matapang na amoy na kadalasang mayroon sa solvent-based paints.

Acrylic ba ‘to?
Oo, ang Boysen Permacoat Latex ay 100% acrylic! Dahil dito, ang Boysen Permacoat Latex ay nagiging outstandingly durable, excellent sa pagtago ng imperfections at flaws sa pader, at resistant sa dumi.
Puwede ba ‘tong haluan ng paint thinner?
Hindi puwede. Dahil water-based ang Boysen Permacoat Latex, tubig lang ang ginagamit na pampalabnaw dito. Maghalo ng hindi hihigit sa 1/2 litro ng tubig sa bawat 4 na litro ng pintura.

Puwede ba ‘to gamitin ng walang hinahalong tubig?
Puwedeng puwede. Ang Boysen Permacoat Latex ay formulated to be used as supplied. Ibig sabihin, puwede na itong gamitin nang walang hinahalo pang iba.
Puwede ba ‘tong kulayan?
Puwede! Maaraming maghalo ng sarili mong kulay ng Boysen Permacoat Latex gamit ang Boysen Latex Colors. Gamit ito, makakapaghalo ka ng light to pastel shades. Tandaan lamang na sumunod sa maximum ratio na 1/4 litro ng colorant sa bawat 4 na litro ng pintura.
Para sa darker colors, puwedeng pumili ng kulay mula sa readily available colors nito o magpatimpla sa mga Boysen Mix & Match Color Stations.
Para sa karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.