Ang Boysen Plexibond ay isang cementitious waterproofing system. Maaasahan ito na panglaban sa pagtagas ng tubig sa mga concrete surfaces—provided na magamit ng tama. Kaya, siguraduhing sapat ang iyong kaalaman sa paggamit ng Plexibond. Isaulo ang mga tips, tricks, at advice na ito mula sa Boysen Technical Department.

Haluing Mabuti at Sumunod sa Pot Life

Hindi puwedeng i-apply ang Boysen Plexibond nang hindi pa ito nahahaluan ng Portland cement. Maghalo ng 6.5 hanggang 7.5 kg na semento sa bawat 4 na litro ng Plexibond. Huwag maghalo ng kahit ano pa—maski tubig o pintura.

Preparing Boysen Plexibond | MyBoysen

Puwedeng mano-mano ang paghahalo. Pero, mas mapapadali kapag gumamit ng power mixer, payo ng Boysen experts, lalo na’t kailangan walang buo-buong matitira pagkatapos maghalo. Dapat katulad ng iba pang pintura ang consistency ng resulting mixture. Mas mabilis din gumamit ng power mixer kapag malaki ang surface area na lalagyan ng Plexibond.

Bago at habang nagtatrabaho, alalahanin na ang pot life ng iyong Plexibond mixture ay 2 oras lamang. Para maiwasan na may product na masayang, maghalo lang muna ng alam mong magagamit sa loob ng pot life. Huwag din kalimutan na haluin paminsan-minsan ang mixture. Gumamit ng brush o roller para sa smooth finish at textured roller para sa textured finish.

Gamitin sa Tamang Lugar

Ito ang mga lugar sa bahay na mainam na malagyan ng Boysen Plexibond: firewalls, parapet walls, at concrete gutters. Huwag gamitin ang Plexibond kung saan malulubog ito sa tubig kagaya ng ponds, pools, at water tanks.

Boysen Plexibond on parapet wall | MyBoysen

Tandaan, sa bare concrete lang i-apply ang Boysen Plexibond. Hindi ito puwede sa mga surfaces at materials na mayroon nang pintura. Kung gusto mo siyang ilagay sa surface na may pintura na, i-scrape ang ano mang existing na coating sa surface hanggang maibalik ito sa bare.

Positive-side waterproofing ang Plexibond. Para maging effective siya, i-apply ito sa side ng pader na tatamaan ng tubig.

Laging Magpintura Pagkatapos

Pagkatapos mag-apply ng Plexibond, laging magpahid ng pintura sa ibabaw bilang extra protection. Mas bababa ang likelihood ng cracks kapag hindi direktang naarawan at nauulanan ang iyong Plexibond layer.

Mag-antay ng isang araw pagkatapos ng Plexibond application at pumili ng isa sa mga produkto na ito para sa topcoat: Boysen Permacoat, Boysen Acrytex, at Boysen Acqua Epoxy. Para sa iba pang prodkuto na puwedeng ipang-topcoat, click here. Hindi recommended na magpatong ng skimcoat sa ibabaw ng Plexibond.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Boysen Plexibond, madami pang ibang useful blog posts ang Let It B! Dito magandang magsimula: Mga Madalas Itanong Tungkol sa Boysen Plexibond.

May tanong na gustong masagot? Ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.