Madalas kaming nakakatanggap sa Boysen Facebook page ng mga katanungan tungkol sa Boysen Plexibond Cementitious Waterproofing System. (Siya nga pala, hindi siya Flexibond. Plexibond ang tamang spelling nito.) At dito sa Let It B, nakapaglabas na kami ng pitong post tungkol sa Plexibond:
How to Use Boysen Plexibond – Waterproofing Your Roofs and Walls
Product Highlight: Boysen Plexibond
Boysen Plexibond Dos and Don’ts
Waterproof Your Home with Boysen Plexibond
No, You Can’t Use Boysen Plexibond on Its Own
Your Comprehensive Guide to Boysen Plexibond
Para sa mga nakapagbasa-basa na tungkol sa Boysen Plexibond, meron din kaming quiz na puwedeng subukan.
Mga Madalas na Itanong Tungkol sa Boysen Plexibond
Ano nga ba muna ang Boysen Plexibond? Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system. Ibig sabihin, ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing. Ito ay nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig sa pader at mga concrete gutter.
Para gamitin, hinahalo ang 6.5 to 7.5 kgs na semento sa 4 na litro ng Plexibond. Wala ng ibang kailangan ihalo pa.
Saan ko puwedeng gamitin ang Boysen Plexibond?
Ang Boysen Plexibond ay ginagamit sa “bare concrete surfaces” o sa mga bagong palitada. Hindi siya maaring gamitin sa mga pader na may pintura na o tiles. Ito ay dahil mabigat ang nagiging resultang halo ng acrylic polymer (kung saan gawa ang Plexibond) at semento. Dahil dito, kailangan niya ng matibay na surface na kakapitan.
Kapag may pintura na ang pader, kailangan muna itong bakbakin. Pagkatapos, sundin ang nararapat na surface preparation bago ilagay ang Boysen Plexibond. Pumunta dito para malaman ang tamang surface preparation ng mga kongkretong pader na dati ng napinturahan.
Tandaan, hindi puwedeng gamitin ang Boysen Plexibond sa mga lugar na nakalubog sa tubig katulad ng swimming pool, fishpond at cistern.
Saan madalas ginagamit ang Boysen Plexibond?
Ang Boysen Plexibond ay madalas gamitin sa mga:
• firewall
• ledge/canopy
• concrete gutter
• parapet wall
Puwede bang hindi haluan ng semento ang Boysen Plexibond?
Puwede bang tile grout / tile adhesive / putty / skimcoat na lang ang ihalo?
Puwede bang pintura nalang ihalo (para may kulay na)?
Ang sagot sa lahat ng mga ito ay HINDI.
Hindi maaring gamitin mag-isa ang Plexibond. Kailangan ito ihalo sa Portland na semento at sa Portland na semento lamang. Kung hindi, hindi ito magiging epektibo. Sa uulitin, ang tamang halo ay 6.5 to 7.5 kgs ng Portland na semento sa 4 na litro ng Plexibond.
Panoorin ang video tutorial na ito para malaman kung paano gamitin ang Boysen Plexibond. Nasa Boysen website din ang instructions.
Puwede bang pinturahan ang pader na may Boysen Plexibond?
Kailangan bang pinturahan ang pader na may Boysen Plexibond?
Oo, mainam na mapinturahan ang pader na may Boysen Plexibond para makasiguradong magiging durable ito. Ito ang mga Boysen products na maaring gamitin:
• Boysen Permacoat (Acrylic Water-Based Latex Paint)
• Boysen Wallguard (Dirt-Resisting, Water-Based Exterior Latex Paint)
• Boysen Acrytex (Acrylic Solvent-Based Paint)
• Boysen Acqua Epoxy (Acrylic Water-Based Epoxy Paint)
• Boysen KNOxOUT (Air Cleaning Paint)
• Boysen Roofgard (Gloss Acrylic, Water-Based Roof Paint)
• Boysen Cool Shades (Water-Based Heat Reflective Colored Roof Paint)
Puwede bang gamitin sa loob ng bahay ang Boysen Plexibond?
Oo, puwedeng gamitin pang-waterproofing ang Boysen Plexibond sa loob ng bahay katulad na sa mga banyo. Siguraduhin lamang na hindi pa napinturahan ang mga pader at na lalagyan ito ng tiles pagkatapos.
Saang gawi ng pader ko ilalagay ang Boysen Plexibond?
Ilagay ang Boysen Plexibond sa “positive side” ng pader o kung saan nanggagaling ang tubig.
Puwede ba gamitin ang Boysen Plexibond sa mga hairline cracks?
Oo, pero para lamang sa mga hairline cracks. Hindi ito puwedeng pangtapal sa mga puwang at cracks na mas malalaki. Mainam na kumonsulta sa propesyonal katulad ng kontraktor at structural engineer kapag may malalaking cracks ang iyong pader.
Pagkatapos kong mag-Plexibond, puwede ko bang masilyahan ng Skimcoat para makinis?
Hindi. Ang Konstrukt Permaplast K-201 High Performance Acrylic Skimcoat ay nilalagay sa bagong palitada. Pinapahid ito bago maglagay ng Plexibond. Sa madaling salita, Skimcoat muna bago Plexibond.
Tumawag sa Boysen Technical Team para sa mga ibang katanungan
Hindi namin recommended na i-DIY ang paggamit at paglagay ng Boysen Plexibond. Mas mabuting ipagawa ang waterproofing with Boysen Plexibond sa propesyonal.
Gayon pa man, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice para sa mga katanungan kahit hindi man ikaw ang maglalagay ng iyong Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
9 Comments
After ma-apply ng plexibond sa canopy, concrete gutter, at parapet wall ano po ang magandang ipatong?
Kung Acrytex ang gagamiting, kailangan po ba ng Acrytex Primer at Top Coat? Or pwede na po derecho top coat sa plexibond?
Nakuha mo ba ang email na pinadala ni Lettie nung 23 September? Eto iyong message –
Base sa aming records, may nakausap po kami sa aming Facebook Page (BOYSEN Paints Philippines) last week na may parehong inquiries. By any chance, kayo rin po ba ang kausap namin sa FB, sir?
Pure flexibond po ung pinahid sa pader namin.di po nilagyan ng cemento…pano po un mag momoist pa din pu ba ung pader namin pag malakas ang ulan?
Pwede po ba ipahid ang flexibond kahit medyo basa po ang wall sa ulan?
Habang pwede namang magpahid ng BOYSEN Plexibond sa medyo basang pader, mas mainam na gawin ito when good weather conditions persist. Importante po kasing hindi maulanan ang BOYSEN Plexibond na naipahid para matuyo ito ng mabuti.
For further questions, please email directly to ask@myboysen.com.
Pede ko ba gamitin ang plexibond sa top coat ng sidecar?
Pasensya na pero hindi po pwedeng gamitin ang BOYSEN Plexibond sa sidecar. Wala rin po kaming produkto na babagay sa iyong requirements. Architectural coatings formulated for use sa construction related materials lang ang aming minamanufacture.
mauna muna skimcoat tapos plexibond, edi gumaspang uli. kala ko dapat matibay ang kinapitan ng plexibond.
From an email reply dated October 22 from our social media manager:
Para sa iyong inquiry, tama po kayo, dapat po matibay ang pagkakapitan ng BOYSEN Plexibond. Ito po ang dahilan kung bakit acrylic skimcoat, tulad ng Konstrukt Permaplast K-201 High-Performance Acrylic Skimcoat, ang irinirikomendang gamitin.
Ang pagpahid rin ng skimcoat bago ang BOYSEN Plexibond ay para kuminis ang pader at masiguradong mapapahiran ang buong surface. Kapag rough ang pader, may posibilidad na may uka o area na hindi mapapahiran. Ito ang maaaring maging sanhi ng pagkatas ng tubig.
Ang pagpahid ng skimcoat bago gumamit ng BOYSEN Plexibond ay base rin sa flexibility ng materials. Theoretically speaking, mas flexible ang BOYSEN Plexibond kaysa sa skimcoat materials. Kung mauuna pong ipahid ang BOYSEN Plexibond, maaaring magdulot ng micro cracking sa skimcoat ang pagkakaiba sa kanilang flexibility.