Hindi mapagkakaila. Maganda sa bahay ang kahoy. Para ma-preserve ang natural beauty ng iyong wooden surfaces, gumamit ng Boysen Oil Wood Stain at Boysen Xyladecor. Ito ay mga wood stain products na pareho ang purpose pero magkaiba ang gamit. Alamin ang tungkol sa dalawang ito dito.
Boysen Oil Wood Stain
- Para sa interior wooden surfaces lamang
- Kinakailangan ng varnish na topcoat
- Mas swak sa budget
- May drying time na 12 oras bawat pahid
Ang Boysen Oil Wood Stain ay isang solvent-based stain para sa wooden surfaces. Gumagamit ng stain para mas lumitaw ang natural tone at wood grain ng kahoy. Sa ganitong paraan, napapalabas pa ang tunay na ganda nito.
Gumamit ng Boysen Oil Wood Stain sa mga wooden surfaces sa bahay katulad ng mga kahoy na pinto, paneling, kabinet, lamesa, at upuan. Puwede ito sa mga interior wooden surfaces ngunit hindi recommended panlabas ng bahay kung saan maarawan at maulanan ito.
Tandaan na kinakailangan mag-apply ng sealer at varnish pagkatapos gumamit ng Boysen Oil Wood Stain para masiguradong protected ang iyong kahoy. Para sa sealer, maaring gumamit ng Boysen Lacquer Sanding Sealer. Para sa varnish, mamili mula sa mga Boysen lacquer varnish finishes.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Boysen Oil Wood Stain, i-click ito.
Boysen Xyladecor
- Puwedeng gamitin sa exterior and interior wooden surfaces
- Hindi kinakailangan ng topcoat
- Water-repellent at kumokontra sa amag at mildew
- May drying time na 2 oras bawat pahid
Ang Boysen Xyladecor ay isang deep-penetrating wood stain na nakakapagpaganda ng kahoy at nagiiwan ng silk matte finish. Maliban dito, mayroon din itong iba pang additional features.
Halimbawa, dahil meron itong excellent sealing properties, napoprotektahan ng Boysen Xyladecor ang kahoy laban sa pagkasirang nadudulot ng tubig, wood decay, at amag. Maaring gamitin ang Boysen Xyladecor sa loob man o labas ng bahay. Dahil water-repellent ito, umulan man o umaraw protektado ang kahoy mo.
At, dahil sealer at topcoat na rin ito, wala nang iba pang kailangan ipahid pagkatapos mag-apply ng Xyladecor. Kung gusto mo pa ng extra layer of protection, puwedeng gumamit ng Hudson Timbercoat na final coat.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Boysen Xyladecor, i-click ito.
Panoorin ang Tungkol sa Boysen Wood Staining Products
Minsan, mas madaling umintindi kapag napapanood ang inaaral. Panoorin si Bea, mula sa Build with B series, gumamit at i-discuss ang features ng Boysen Oil Wood Stain at Boysen Xyladecor.
Sana malinaw na ang pagkakaiba ng Boysen wood staining products! Kapag nalito ulit, balikan lang ang blog post na ito. Para sa mga karagdagang katanungan, huwag mahiyang kumunsulta sa Boysen Technical Service Department. Tumawag sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
1 Comment
Can we use xyladecor on plywood?