Lettie,

Puwede ba mag-apply ng Boysen Plexibond bago maglagay ng tile adhesive sa floor at walls ng CR? Paano ko po gagawin kung puwede?

Salamat!

From.
Boysen User P

Hi, Boysen User P!

Puwede! Puwedeng gamitin sa vertical at horizontal concrete surfaces ang Boysen Plexibond at isa sa mga suggested uses nito ay pang-waterproof ng banyo.

Pero, tandaan na sa bare concrete surface lang puwedeng ipahid ang Plexibond. Ibig sabihin, kailangan wala pang ibang nakapahid na kahit ano–maski skimcoat o pintura–sa surface.

Bare concrete surface

Kaya, kung bare pa ang pader at lapag ng CR mo, i-waterproof natin siya gamit ang Plexibond!

Plexibond Para sa Pader ng Banyo

  1. Linisin ang pader para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
  2. Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
  3. Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
  4. Mag-apply ng 2 – 3 coats ng Plexibond sa pader gamit ang brush. Maghintay ng 1 – 2 hours sa pagitan ng bawat mano.
  5. Patuyuin ng at least 1 day ang naipahid na Plexibond bago ito patungan ng tiles.

Paint TechTalk with Lettie: Paano Gamitin ang Plexibond sa CR? | MyBoysen

Plexibond Para sa Sahig ng Banyo

  1. Linisin ang sahig para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
  2. Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
  3. Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
  4. Mag-apply ng 3 – 5 coats ng Plexibond sa sahig gamit ang brush. Maghintay ng 1 – 2 hours sa pagitan ng bawat mano.
  5. Patuyuin ng at least 1 day ang surface. Pagkatapos, mag-apply ng 1 coat ng purong Plexibond. Bond coat ang tawag dito.
  6. Habang basa at madikit pa ang bond coat, maglagay ng concrete o mortar topping. Isunod na i-install ang tiles.

May tip din ako para sayo. Kapag nagpapahid ka na ng Plexibond, subukan na maka-achieve ng smooth finish para patag ang surface na kakalabasan. Mas madali mong mai-install ang tiles.

Product photo of Boysen Plexibond

Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system na nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing.

Ang Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge/canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit ito sa roof deck at banyo. Tandaan na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Ibig sabihin, nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.

Para sa Karagdagang Katanungan

Kung may karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng mga sagot at advice tungkol sa Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Good luck!

Your painting partner,
Lettie

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

2 Comments

  1. Pwede pa ba magpahid ng Plexibond kung ma-scrape off ko ang pintura kung saan may tagas ng tubig?

    • Best na iscrape to bare muna ang surface o substrate. Ipacheck ito sa professionals, tulad ng waterproofing experts o contractors, para maayos ang sanhi ng pagkatas ng tubig.

      Kapag naayos na ang sanhi at bare pa ang kongkretong pader sa labas ng bahay, pwedeng magpahid ng panibagong system ng BOYSEN Plexibond. 2 – 3 coats ng mixture ang recommended na ipahid dito. Patuyuin ng at least 1 day bago pinturahan.

      Click here para sa product details at instructions ng BOYSEN Plexibond: https://bit.ly/4cdW4UI

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.