Hi po.
Kumakapit po ba ang Boysen Plexibond sa may pinturang pader?
Thank you po.
From,
Boysen User B
—
Hi din, Boysen User B!
Sadly, hindi puwedeng gamitin ang Boysen Plexibond sa pader na may pintura na. Sa bare concrete lang ina-apply ang Boysen Plexibond.
Ito pa ang more bad news. Kung gusto mong magpahid ng Plexibond sa surface na may pintura na, kailangan mai-scrape muna ang ano mang existing na coating sa pader hanggang maibalik ito sa bare. Kapag bare na ulit, at saka ka lamang puwedeng magpahid ng Plexibond as waterproofing.
Kung bare na ang pader mo, nasa baba ang summary ng steps sa paggamit ng Plexibond. (Mahahanap ang mas detailed na instructions dito.) Reminder din na, pagtapos mag-Plexibond, kailangan mo rin itong patungan ng pintura para masiguradong tatagal ang waterproofing capabilities nito.
Plexibond Para sa Kongkretong Pader
- Linisin ang pader para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
- Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
- Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
- Magpahid ng 2 – 3 coats ng Plexibond na may recoating interval na 1 – 2 hours.
- Patuyuin ng at least 1 day. Magpintura ng topcoat (listahan ng maaring gamiting produkto bilang topcoat dito) para maging mas durable at effective pa ang waterproofing ng surface.
Ang gamit ng Plexibond ay as a prevention measure laban sa water seepage. Ibig sabihin, ang best time na mag-apply ng Plexibond ay kapag bare at bago pa ang pader.
Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system na nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing.
Ang Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge o canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit ito sa roof deck at banyo. Tandaan na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.
Kung may karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng mga sagot at advice tungkol sa Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
Good luck!
Your painting partner,
Lettie
Kailangan mo rin ba ng painting advice? Magtanong sa Paint TechTalk with Lettie gamit ang comment section sa ibaba o mag-send ng email sa ask@myboysen.com.