Dahil may direct contact ito sa ulan, isang parte ng bahay na mainam na mai-waterproof ay ang roof deck. Kung may roof deck ka at hindi pa ito na-waterproof, ito na ang sign mo na kumuha ng balde ng Boysen Plexibond at magsimula ng bagong project. Sundan ang steps na ito:

Step 1: Surface Preparation

Ang Boysen Plexibond ay maari lamang i-apply sa bare concrete na hindi pa napinturahan. Kapag may pintura na ang iyong surface, kailangan i-scrape ito hanggang wala ng matirang pintura. Kapag bago naman ang iyong kongkreto, patuyuin muna ito ng 14 to 28 days.

Bago magsimula, linisin muna ang roof deck. Ang surface na lalagyan ng Plexibond ay dapat walang oil, grease, dust, dirt, at anu mang maliliit na bato.

Pagkatapos, basain ng bahagya ang area na lalagyan ng Plexibond. Makakatulong ito para maiwasan ang masyadong mabilisan na pagtuyo ng Plexibond na puwedeng pagsimulan ng cracks. Habang nagtatrabaho, huwag din kalimutan na basain paminsan-minsan ang surface lalo na’t maaring maaraw at mainit ang working conditions sa roof deck.

waterproofing a roof deck | MyBoysen

Step 2: Boysen Plexibond at Fiberglass Matting

Ihanda ang Boysen Plexibond mixture na ia-apply sa iyong roofdeck. Maghalo ng 6.5 kg na Portland cement sa 4 L ng Plexibond hanggang mawala ang mga buo-buo. Puwedeng gawin ito ng mano-mano pero mas madadalian kung gagamit ng power mixer.

Alalahanin na ang resulting mixture ay may pot life lamang na 2 hours. Maghalo lamang ng amount na siguradong magagamit para walang masayang na produkto. Haluin din paminsan-minsan ang mixture para hindi ito mag-settle.

Kailangan mag-apply ng 3 to 6 coats ng resultang Plexibond mixture para sapat na ma-waterproof ang iyong roof deck. Gumamit ng brush kung gusto ng smooth finish at textured roller naman kung gusto ng textured finish.

Pagkatapos ng pangalawang coat, habang basa pa ang Plexibond, maglagay ng fiberglass matting sa mga areas na maaring mag-crack kagaya ng joints, corners, at active cracks. Bago i-apply ang mga sunod na coats, siguraduhing tuyo na ang Plexibond coating at matting.

Pagkatapos ma-apply ang lahat ng coats, hintayin ito matuyo ng isang buong araw.

waterproofing a roof deck

Step 3: Bond Coat at Concrete Topping

Pagkatapos ng drying time, mag-apply ng one coat ng purong Boysen Plexibond galing sa balde. Walang kailangang ihalong iba. Ito ang tinatawag na bond coat.

Habang basa at madikit pa ang na-apply na bond coat, ilagay ang mortar o concrete topping. Hindi puwedeng maiwang exposed ang Boysen Plexibond. Kung hindi, mabilis itong masisira.

Step 4: Pintura

Kung gusto ng extra protection at pampaganda, puwedeng isunod ang tiles o kaya naman pintura pagkatapos ng concrete topping.

Boysen Acqua Epoxy

Para sa pintura, recommended ng Boysen engineers ang Boysen Acqua Epoxy. Ginagamit ito para sa concrete flooring katulad ng roof deck. Meron itong excellent durability, good gloss retention, at UV resistance. Bilang water-based product, mas madali rin ito gamitin kaysa sa solvent-based products.

Makikita dito ang product details at application instructions ng Boysen Acqua Epoxy.

Para sa Karagdagang Tulong at Katanungan

Hindi madaling mag-apply ng Plexibond sa mga vertical surfaces tulad ng fire wall, at mas komplikado pang mag-apply nito sa horizontal surfaces tulad ng roof deck. Kung wala pang masyadong experience gumamit ng Plexibond, tandaan na hindi masama humingi ng tulong sa pintor o iba pang professional kung kinakailangan.

Kung may karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng mga sagot at advice tungkol sa Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Mababasa sa Ingles ang blog post na ito dito: How-to Guide: Waterproofing Your Roof Deck with Boysen Plexibond

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.