Stay cool. Labanan ang matinding init sa tulong ng pintura? Kaya kung gagamit ng Boysen Cool Shades na may heat-reflecting abilities! Marami kaming natatanggap na katanungan tungkol sa innovative product na ‘to. Sasagutin namin ang mga pinakamadalas na itanong dito:
Ano ang Boysen Cool Shades?
Ang Boysen Cool Shades ay isang heat-reflecting roof paint. Ibig sabihin, pintura siya para sa bubong na kayang pababain ang init na pumapasok sa loob ng bahay. Useful feature ito lalo na sa bansang katulad ng Pilipinas kung saan matindi ang init tuwing summer.
Kapag mas cool ang temperature sa loob ng bahay, mas komportable ang naninirahan at mas nakakatipid din sa kuryente.
Paano gumagana ang heat-reflecting properties nito?
Ang Boysen Cool Shades ay may infrared-reflecting (IR) pigments. Itong pigment na ito ang nagre-repel ng infrared light na galing sa araw bago pa ito maging init na papasok sa loob ng bahay.
Gaano katagal umaabot ang heat-reflecting feature ng Boysen Cool Shades?
Ang repainting interval ng Cool Shades ay 5 years, provided na masusundan ang recommended surface preparation, painting schedule at proper maintenance. As long as nakakapit pa ang Boysen Cool Shades sa bubong, effective pa rin ang heat reflecting feature nito.
Pare-pareho ba ang heat-reflecting effect ng mga kulay ng Boysen Cool Shades?
Hindi. Generally, the lighter the color, mas mataas ang heat reflecting feature nito. Ang Boysen Cool Shades Reflecting White ang kulay na may highest heat reflectance.
Puwede ba ang Boysen Cool Shades sa pader, roof deck, at iba pang surfaces bukod sa bubong?
Ang Boysen Cool Shades ay formulated for use sa bubong lamang na gawa sa galvanized metal (yero), aluminum, stainless steel, and unglazed roof tiles. Hindi ito puwede gamitin sa kongkreto.
Kapag naghahanap ng pintura para sa pader, marami pang ibang produkto si Boysen na mas naangkop katulad ng Boysen Permacoat Latex. Para sa roof deck naman, i-consider ang Boysen Acqua Epoxy na puwede para sa kongkretong lapag. Kung kailangan ng waterproofing, gumamit ng Boysen Plexibond.
Puwede bang pahiran ng Boysen Cool Shades ang bubong na may Boysen Roofgard na?
Puwede. Kung maganda pa ang kapit ng existing na pintura, magpasaliha muna gamit ang sandpaper para matanggal ang dumi at para maging maganda ang kapit ng bagong pintura. Siguraduhin na malinis at tuyo ang surface atsaka magpahid ng 2 coats ng Boysen Cool Shades.
Kung sa pagpapasaliha ay may natuklap na pintura, magpahid muna ng primer (ex: Boysen Red Oxide Metal Primer) sa exposed na bakal bago ang 2 coats ng Boysen Cool Shades.
Puwede ko ba patungan ng Boysen Cool Shades Reflecting White ang bubong ko na Boysen Roofgard Spanish Red ang kulay?
Puwede. ‘Wag magalala. Maganda ang hiding ng Cool Shades at hindi tatagos ang lumang kulay ng bubong mo sa bagong pintura—kahit Boysen Roofgard Spanish Red pa siya. Sundan lamang ang proseso na nakasaad sa previous question above o kaya naman ay puntahan ang blog post na ito.
May heat reflecting feature pa rin ba ang Boysen Cool Shades kapag pinatungan ng Boysen Roofgard?
Hindi na. Para maging effective ang heat reflecting feature ng Cool Shades, kailangan ito ang gagamiting topcoat o ang huling pinturang nakapahid sa bubong. Mare-reflect lamang ang infrared light kapag direktang natatamaan ng araw ang bubong na may Boysen Cool Shades.
Kung ang existing na nakapahid sa iyong bubong ay Cool Shades, mas mainam kung Cool Shades na rin ang gagamitin kapag magre-repainting.
May karagdagang katanungan? Huwag mahiyang kumunsulta sa Boysen Technical Service Department. Tumawag sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.