Good day!

Magpapa-repaint po ako ng bubong. Boysen Cool Shades na White sana. Currently, Boysen Roofgard Spanish Red ang kulay. Ano po ang tamang proseso kapag mag-iiba ng kulay from red to white?

Thank you and God bless po.

From,
Boysen User C

Hi, Boysen User C.

Pinturahan natin gamit ng Cool Shades ang bubong mo! Madali lang ang proseso. Ito ang kailangan gawin:

Paint TechTalk with Lettie: Paano Palitan ang Kulay ng Bubong from Red to White? | MyBoysen

Para sa mga areas na in good condition pa ang existing na pintura

  1. Gamit ang sandpaper, lihain ang bubong para mas madaling kumapit ang bagong pintura.
  2. Punasan ang area hanggang sa walang matirang anumang dumi at sanding dust.
  3. Tanggalin ang mga loose paint kung meron man.
  4. Kapag may areas na labas na ang yero, i-spot prime ito gamit ang Boysen Red Oxide Metal Primer.

Para sa areas na may kalawang

  1. Tanggalin muna ang kalawang gamit ang wire brush at sandpaper.
  2. Kumuha ng basahan at punasan ang area gamit ang Boysen Metal Etching Solution. Mag-antay ng 10 to 15 minutes.
  3. Punasan hanggang sa walang matirang anumang dumi at sanding dust.
  4. Kaagad na pahiran ng primer ang area para maiwasan ang flash rusting. Gumamit ng Boysen Red Oxide Metal Primer.

Pagpipintura gamit ang Boysen Cool Shades

Maaring gumamit ng brush, roller, o airless spray. Magpahid ng 2 coats with 2 hours recoat interval. 30 to 35 square meters and napipinturahan ng isang 4-liter na lata ng Boysen Cool Shades. Use as supplied pero kung gusto gumamit ng thinner, maaring maghalo ng 1/2 liter ng tubig per 4 liters ng pintura.

Di mo kailangan mag-alala na tatagos ang previous na kulay ng bubong mo. Makatawan ang Cool Shades!

Boysen Cool Shades

Maganda gumamit ng Cool Shades, lalo na sa panahon ngayon, dahil meron itong heat-reflecting abilities. Gamit ang infrared-reflecting (IR) pigments, nababawasan niya ang init na naa-absorb ng bubong mo. At dahil dito, bumababa din ang temperature sa loob ng bahay.

Katulad din ng Boysen Roofgard, durable din siya at may good gloss retention para mas matagal na maganda ang pintura ng bubong mo.

Good luck sa painting project!

Your painting partner,
Lettie

Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

2 Comments

  1. Louie balass Reply

    Sir hihingi sana ako ng advice kasi sa amin dito tabing dagat po kami problema namin dito mabilis talagang mangalawang yung bubong namin na yero.salamat..

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.