Hello.
Puwede po ba gamitin ang Boysen Plexibond diretso sa CHB?
From,
Boysen User E
Hi, Boysen User E.
Salamat sa pag-message mo sa Paint TechTalk with Lettie!
Ang sagot sa iyong tanong ay hindi. Hindi puwedeng ipahid directly sa concrete hollow blocks (CHB) ang Boysen Plexibond.
Pinapahid ang Plexibond sa bare concrete. Pero, kinakailangan na palitadahan muna ang hollow blocks gamit ang semento. Pagkatapos, papatuyuin muna ito ng 14 to 28 days. Kapag nagawa na ito, puwede ng magpahid ng Plexibond.
Ito ang summary ng paggamit ng Plexibond kapag nakapagpalitada ka na:
- Linisin ang pader para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
- Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
- Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
- Sa paggamit ng Plexibond sa vertical surfaces katulad ng pader:
a. Gumamit ng textured roller kung gusto ng textured finish at mag-apply ng isang pahid ng Plexibond.
b. Gumamit ng brush kung gusto ng plain finish at mag-apply ng dalawang pahid ng Plexibond.
Ang recoating interval ng Plexibond ay 1 to 2 hours. - Magpintura ng topcoat (listahan ng maaring gamiting produkto bilang topcoat dito) para maging mas durable at effective pa ang waterproofing ng surface.
Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system na nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing.
Ang Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge/canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit din ito sa roofdeck at sahig ng banyo. Tandaan na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Ibig sabihin, nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.
Good luck sa pagpalitada at paggamit ng Plexibond!
Your painting partner,
Lettie
Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.
2 Comments
Ano po ba ang kompletong steps at kung anu ano po ang gagamitin sa pagpintura sa exterior concrete wall ng bahay? Umpisahan po sa pagkatapos ng palitada hanggang finish po sana. Baguhan po kasi ako. Salamat po
Para sa iyong project, pwede kang gumamit ng isa sa mga sumusunod na painting systems para sa kongkretong pader sa labas ng bahay:
1. BOYSEN Permacoat Latex Paint
Click here para sa product details, instructions at ilang standard colors available: https://bit.ly/2DQnVzo
2. Titan Superflex Elastomeric Paint
Click here para sa product details, instructions at colors available: http://bit.ly/2udLXw3
If you have more questions, send an email to ask@myboysen.com.