Hello, Lettie.
Nag-apply po ako ng Boysen Plexibond. Puwede ko ba siya patungan ng skimcoat?
Thank you.
From,
Boysen User C
—
Hi, Boysen User C.
Hindi puwedeng pahiran ng skimcoat ang pader na meron nang Boysen Plexibond. Ang skimcoat ay formulated lamang na i-apply sa bare concrete.
Kung sa bare concrete ka nagsimula, puwedeng unahin na ipahid ang skimcoat tapos sunod ang Plexibond—pero huwag baliktad. Skimcoat muna bago Plexibond. Siguraduhin din na acrylic polymer skimcoat ang gamitin katulad ng Konstrukt Permaplast K-201 High Performance Acrylic Skimcoat.
Kapag may imperfections ka sa Plexibond surface mo na gustong ayusin, puwede namang gumamit ng masilya (putty). Siguraduhin lang na napatuyo na ng at least isang araw ang pader na may Plexibond at mapahiran ito ng primer bago magmasilya.
Ito ang summary ng painting process:
- Patuyuin ang Boysen Plexibond ng at least 1 araw.
- Para sa primer, gumamit ng Boysen Permacoat Flat Latex B-701.
- Para sa masilya, gumamit ng Boysen Acrytex Cast B-1711 (exterior use).
- I-spot prime ang mga nilagyan ng masilya gamit ulit ang Boysen Permacoat Flat Latex B-701.
- Para sa topcoat, gumamit ng Boysen Permacoat Latex sa napiling kulay at sheen. Dalawang mano ang i-apply.
Mainam na mapinturahan ang pader na may Boysen Plexibond para makasiguradong magiging durable ito. Maliban sa Bosyen Permacoat, ito ang iba pang Boysen products na puwedeng gamiting as topcoat:
Para sa iba pang info tungkol sa Plexibond, i-check out ang blog post na ‘to: Mga Madalas Itanong Tungkol sa Boysen Plexibond.
Puwede din kumunsulta sa Boysen Technical Service Department. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
Good luck po!
Your painting partner,
Lettie