Painting metal roofs usually allows you to use different options of primers. One of which is Boysen Epoxy Primer, but a Boysen user was wondering if it needs to be thinned. Lettie answers.

Good day,

Magpipintura ako ng bagong bubong. May binili na akong Boysen Roofgard. Diretso ko na ba itong ipipintura o kailangan pa ba ng B-2230 Epoxy Primer Gray. Kapag gagamitin ko ba ang Epoxy Primer, need ko bang haluan ito ng Epoxy Reducer or okay lang kahit hindi na mag-Epoxy Reducer?

From,

Boysen User P

Good day rin sa iyo, Boysen User P!

Para sa bagong bubong, sundan natin ang painting schedule. Kailangan mo munang magpahid ng isang (1) coat ng primer. Kapag natuyo na, magpahid ng dalawang (2) coats ng Boysen Roofgard bilang topcoat. Mahalaga ang paggamit ng primer para sa tamang pagkapit ng pintura lalo na sa mga bagong bubong.

Roofgard | MyBoysen

Ang iyong piniling primer na Boysen Epoxy Primer ay maaring gamitin na primer para sa Boysen Roofgard. Ang mahalaga ay ibagay ang kulay ng piniling primer sa kulay ng topcoat. 

Boysen Epoxy Primer | MyBoysen

Gayundin sundan ang tamang paghalo ng curing agent sa Epoxy Primer.

Paggamit ng Boysen Epoxy Reducer sa Boysen Epoxy Primer

Sa tanong mo kung kailangan pa ito gamitan ng reducer o thinner, ang sagot diyan ay oo. Pwedeng haluan ang Epoxy Primer ng Boysen Epoxy Reducer. Ang maximum ratio ng Reducer sa Primer ay 1:4.

Boysen Epoxy Reducer | MyBoysen

Mainam gumamit ng Epoxy Reducer para hindi masyadong malapot ang Epoxy Primer, na mas madaling ipahid sa bubong. 

Huwag lang sumobra sa paghalo ng reducer. Kapag masyado naging malabnaw ang primer, maapektuhan ang kapit nito sa bubong. Huwag lalagpas sa isang (1) litro ng reducer ang idadagdag sa bawat apat (4) na litro ng primer. 

Iba pang primer na maaring gamitin

Bukod sa Epoxy Primer, maari ka rin gumamit ng Boysen Primeguard kung magpipintura ng bagong metal sheets para sa bubong. Mainam ito kung gusto mo ng isang water-based na primer. Mas mabilis matuyo, mas madaling linisin, at hindi flammable. 

Boysen Primeguard | MyBoysen

Use as supplied nga lang ang Boysen Primeguard. Huwag haluan ng tubig para i-reduce, para sa tamang kapit nito sa papahiran na surface.

Kung naarawan na ang bubong ng anim (6) na buwan o mahigit, huwag gamitin ang Boysen Primeguard. Gamitin na lang ang unang option mo na Boysen Epoxy Primer. Naka-depende sa papahiran na surface ang primer na gagamitin. Ang mahalaga ay masunod ang tamang surface preparation.

Surface Preparation sa Pagpintura ng Bubong

Punasan ang pipinturahang bakal ng basahan na may paint thinner para matanggal ang dumi, wax, grasa at iba pang foreign matter.

Kung ang gagamitin na bakal ay newly galvanized, pahiran ng diluted na Boysen Metal Etching Solution, isang (1) takal ng Metal Etching Solutions sa siyam (9) na takal ng tubig. Banlawan ng tubig at patuyuin agad.

Kung ang galvanized surface ay naarawan na ng anim (6) na buwan o mahigit, hindi na kailangan pahiran ng Etching Solution.

Good luck sa pagpipintura, Boysen User P. 

Your painting partner,

Lettie

Para sa iba pang katanungan, magtanong lang sa Paint TechTalk with Lettie. Mag-send ng email sa [email protected] o gamitin ang comment section sa ibaba.

Author

Andrieu is the Gen-Z voice of the blog team. He is an enjoyer of art and literature. You can see him usually listening to music or playing video games.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.