Gusto malaman ng isang Boysen user ang proseso sa pag-repaint ng bakal na bubong kung ang pinturang gagamitin niya ay pareho sa dating pinturang ginamit. Basahin ang naging tugon ni Lettie.


Dear Lettie,

Magpapa-repaint ako ng bubong na gawa sa galvanized iron. Pininturahan ito dati ng Boysen Roofgard Spanish Red, pero medyo kumupas na ang kulay nito.

Roofgard pa rin ang gusto kong gamitin, pero ibang kulay na, tulad siguro ng Orient Gold. Anong mga kailangan ko at ano ang proseso para dito? Salamat sa iyong tugon.

From,

Boysen User G


Dear Boysen User G,

Tama naman na Boysen Roofgard ang gagamitin mo kung magpapalit ka ng kulay ng iyong bubong dahil mapapadali ang proseso na kailangan mong sundin. Maasahan rin talaga ang de-kalidad na Boysen Roofgard pagdating sa pagprotekta ng iyong bahay sa araw at ulan. Dahil sa anti-corrosion na feature nito, hindi agad masisira ang bakal ng iyong bubong.

Una muna nating tingnan ang kalidad ng bubong. Tanggalin ang mga tumutuklap na pintura. Meron rin ba itong butas o kalawang? Kapag may butas, siguraduhin munang natakpan ito gamit ang tamang produkto. At kung may kalawang naman, kailangan muna itong tanggalin bago pinturahan muli. 

Pagpipintura sa Bakal na Bubong na May Kalawang

Step 1: Tanggalin manually ang kalawang gamit ang sandpaper at steel brush. Walisin at punasan ang natanggal na kalawang.

Step 2: Kung may mga kalawang pa rin, i-treat ito gamit ang rust converter tulad ng Boysen Metal Etching Solution. Gamit ang brush, ipahid ang solution sa bahagi ng bubong na may kalawang pa rin. Maghintay ng 10–15 minuto para ito ay tumalab. Pagkatapos, tanggalin ang solution gamit ang basahan na may paint thinner. Ulitin ang step na ito hanggang matanggal ang kalawang nang husto.

Step 3: Kapag natanggal na ang mga kalawang, pahiran agad ang mga exposed na bahagi ng bakal ng Boysen Red Oxide Metal Primer. Ito ay para maiwasan ang flush rusting (kalawang na mukhang splash marks). 

Step 4: Kapag natuyo na ang primer, maaring mo nang ipahid ang Boysen Roofgard gamit brush o roller sa bubong. Minimum na dalawang pahid ng topcoat ang kailangan.

Pagpipintura sa Bakal na Bubong na Walang Kalawang

Kung wala namang kalawang o sira, at pagkupas lang talaga ang problema nito, narito ang mga hakbang.

Step 1: Lihain nang kaunti ang lumang pintura. Tanggalin ang mga tumutuklap na pintura. Linisin gamit ang malinis na basahan.

Step 2: Kung may bahagi ng bubong na nakikita ang bakal, pahiran ang mga bahagi na iyon ng Boysen Red Oxide Metal Primer.

Step 3: Pinturahan ang buong bubong gamit ang Boysen Roofgard. Mag-apply ng dalawang pahid ng topcoat.

Pagdating sa pag-repaint, walang problema kung gusto mo lang ng bagong kulay. Malaya naman tayo sa kung anong itsura ang gusto natin para sa sariling bahay. Ang mahalaga ay nasusunod mo ang tamang proseso sa pag-repaint ng bubong.

Sana naging komprehensibo ang sagot na ito. Good luck sa repainting, Boysen User G!

Your painting partner,

Lettie


Para sa iba pang katanungan, magtanong lang sa Paint TechTalk with Lettie. Mag-send ng email sa [email protected] o gamitin ang comment section sa ibaba.

Author

Andrieu is the Gen-Z voice of the blog team. He is an enjoyer of art and literature. You can see him usually listening to music or playing video games.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.