Sa bakal, kalaban ang kalawang. Kapag hindi inagapan agad, unti-unting kakainin ng kalawang ang metal substrates ng iyong mga furnishing, hanggang sa tuluyan itong masira. Mapipilitan ka pa na palitan iyon. Mas madali naman magkaroon pa ng kalawang, kapag ang pintura ay tumutuklap na, kaya siguradihing protektado ang mga bakal sa tahanan mo. Huwag hayaan na exposed ang mga ito sa tubig at hangin. Mapapabilis ang paglaganap ng kalawang, na makakasira sa iyong bubong, gate at iba pa. Alamin ang mga hakbang sa pagpintura ng bakal na may kalawang.
Step 1
Unahin munang tanggalin nang mano-mano ang mga kalawang na makikita mo. Tanggalin rin ang mga tumutuklap na pintura. Hindi ka maaring magpintura sa bakal na may kalawang dahil hindi kakapit ang pintura na gagamitin mo.

Gumamit ng steel brush o sandpaper. Nirerekomenda na ang sandpaper na gagamitin ay may grit na 120 hanggang 140. Lihain ang mga bahagi ng bakal na may kalawang.
Step 2
Gamit ang basahan, punasan ang surface upang matanggal ang mga dumi at alikabok na lumitaw mula sa pagliha. Maari rin gumamit ng tuyong brush.
Step 3

Sa kalawang na hindi kayang tanggalin ng pagliha, gumamit ng Boysen Metal Etching Solution. Ipahid ito gamit ang brush sa mga bahagi lang ng bakal na may kalawang.
Maghintay ng 10–15 minuto para tumalab ang rust converter.
Step 4
Tanggalin ang natitirang Metal Etching Solution sa pamamagitan ng pagpunas nito ng paint thinner gamit ang malinis na basahan.
Kung kailangan, ulitin ang Step 3 at Step 4 hanggang sa matanggal ang lahat ng kalawang.
Step 5
Pahiran agad ng primer ang mga bahagi na ginamitan ng rust converter. Ito ay para maiwasan ang flash rusting.
Ano ang flash rusting? Madalas, kapag na-eexpose ang bakal na ginamitan ng Metal Etching Solution, lumilitaw ang kalawang na mukhang splash marks.
Para maiwasan ito, pinipintura agad ang metal primer. Gumamit ng brush o roller. Hindi na rin kailangan pahiran ng primer ang bahagi na maayos pa ang pintura.
Iwas-Kalawang na Metal Primer

Ang mga metal primer ng boysen ay formulated para maka-iwas sa kalawang. Pumili mula sa Boysen Red Oxide Metal Primer o Boysen Rust-Off Gray Alkyd Metal Primer. Maaring gamitin ang pareho sa panloob at panlabas na bakal. Piliin ang primer batay sa kulay ng gagamitin na topcoat. Halimbawa, gamitin ang Boysen Rust-Off kung puti ang gagamiting kulay.
Step 6
Ipahid ang piniling topcoat gamit brush o roller sa kabuoan ng bakal na pipinturahan muli. Minimum na dalawang application ng topcoat ang kailangan.
Topcoats Para sa Bakal na Substrates
Maaring gumamit ng Boysen Quick Drying Enamel para sa gate, railings, at bakal na furniture. Matibay at magtatagal ang tingkad ng kulay nito. Mainam na gamitin sa panloob at panlabas na bakal.
Para sa iyong bubong, maari kang gumamit ng Boysen Roofgard o Boysen Cool Shades. Water-based na pintura ito, na hindi tutuklap o bibitak agad.

Para naman sa mga bakal na matatapakan, ang Boysen Acqua Epoxy ang nirerekomenda sa mga metal decks at terraces. Two-component na system ito, na maayos ang stain- at traffic-resistance.

Napapanahon Ang Muling Pagpintura ng Tahanan
Madalas gamitin ang bakal bilang materyal para sa ating tahanan. Resulta ng pagluma ng mga metal substrates sa bahay—kumukupas ang tingkad ng kulay nito, tumutuklap na ng pintura, at higit, madalas nagkakaroon na ng kinakalawang ang mga ito. Mahalagang mapaganda muli ang mga bahagi ng ating tahanan na nagdadala ng natatanging kintab.
Para sa mga gabay tungkol sa pagpintura, mag-subscribe sa blog. Para sa mga katanungan, magpadala ng email sa [email protected] para matulungan kayo ng aming technical team.