Ngayon ay panahon na ng tag-ulan, dapat maging mas maingat tayo kapag susubok sa mga proyektong pantahanan. Tuwing nagpipintura at nagbabarnis ng kahoy, tubig at moisture ang kalaban. Sayang naman ang effort mo kung hindi magiging maganda ang kalabasan ng iyong pagpipintura. Para maiwasan ang mga problema dulot ng moisture, siguraduhin na mayroon ka ng Boysen Lacquer Flo.

Boysen Lacquer Fo

Boysen Lacquer Flo: Panlaban sa Moisture Blushing

Liquid additive na produkto ang Boysen Lacquer Flo. Hinahalo ito sa mga lacquer products para maiwasan ang mga problema sa pagpipintura.

Lacquer products ang pinipili dahil sa matibay at makintab na finish nito para sa mga cabinet, pintuan, at iba pang furniture na gawa sa kahoy. Ang mga option mo dito ay mga clear coats na Boysen Lacquer Products para sa mga mahilig sa natural na texture ng kahoy, at Boysen Automotive Lacquer kung gusto mo ng makulay na duco finish.

Malaking problema nga lang sa paggamit ng lacquer ay ang hindi kaaya-ayang pamumuti ng pintura o varnish. Tinatawag ang depektong ito na moisture blushing. Ito ay moisture o tubig na na-trap sa lacquer film. Madalas itong mangyari kapag nagpipintura o nagbabarnis sa maulan, maalinsangan, o malamig na panahon. 

Trabaho ng Boysen Lacquer Flo na patagalin ang drying process ng lacquer. Dahil hindi agad matutuyo ang pipinturahang lacquer, bababa rin ang tsansa na makukulong ang moisture sa pintura o varnish. Mas magiging makintab rin ang sheen ng topcoat.

Boysen Lacquer Flo: Tips, Tricks, and Advice from Experts | MyBoysen

Mainam na gumamit ng Boysen Lacquer Flo. Kapag lumitaw ang moisture blushing, matatanggal mo ito sa pamamagitan ng pagliha. Buburahin nga lang ang ginamit mong topcoat pati ang stain kung nagpahid ka rin nito sa kahoy. Mapipilitan kang bumalik sa simula.

Paano Gamitin ang Boysen Lacquer Flo

Sa paghalo ng Lacquer Flo sa mga lacquer topcoats, sundan ang tamang ratio. Dapat hindi lalagpas sa 10% ng volume ng lacquer product ang idadagdag na Lacquer Flo. Halimbawa, kung mayroon kang 1 liter ng Boysen Clear Gloss Lacquer, maximum na 100 mL ng Lacquer Flo ang kailangan mong idagdag.

Ito rin ang ratio kahit ginamitan ng thinner ang pintura. Dahil sa pamamagitan ng spray gun ang pagpintura para sa duco finish, kailangan munang palabnawin ang Boysen Automotive Lacquer. Mayroong 1:1 ratio ang Automotive Lacquer sa Boysen Lacquer Thinner. Kung may 1 liter ka ng Automotive Lacquer, hahaluan mo ito ng 1 liter ng Lacquer Thinner. Tapos, 200 mL ang kailangang ihalo na Lacquer Flo, na 10% sa pinalabnaw na mixture na 2 liters.

Laging tandaan na haluin nang mabuti ang mixture.

Boysen Lacquer Flo: Mahalagang Produkto sa Pagpintura ng Kahoy

Para sa panloob na gamit lang ang mga lacquer-based na clear coats at pintura, kaya panloob rin na produkto ang Boysen Lacquer Flo. Pero siguradong matibay at makintab ang mga ito na magpapaganda ng iyong interiors. 

Hindi recommended ang magpintura sa panahon ng tag-ulan. Pero kung kinakailangan talaga, dapat kasama ang Boysen Lacquer Flo sa mga produkto na gagamitin mo para sa malinis na glossy finish para sa iyong mga kahoy.

Mag-subscribe sa blog para sa iba pang mga painting tips. Mag-email naman sa [email protected] kung may katanungan sa mga produkto. Matutulungan ka ng aming technical team.

Author

Andrieu is the Gen-Z voice of the blog team. He is an enjoyer of art and literature. You can see him usually listening to music or playing video games.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.