Sa kada apat na litro (4 liters) ng Boysen Plexibond, hinahalo ang 6.5–7.5 kilogram na Portland cement. Pero ano gagawin kapag nagpahid ng Plexibond mixture na hindi nasunod ang tamang ratio? Ito ang problema ng Boysen User natin ngayon. Alamin ang tugon ni Lettie.
Dear Lettie,
Nagpa-waterproofing ako ng bahay kaso ang unang timpla ay hindi tama. Tatlong kilo lang ng Portland cement ang hinalo ko sa four liters ng Boysen Plexibond.
Pinahid na ito kaya, matapos ang isang araw, pinatungan ko na lang ng second coat na tama ang timpla. Four liters ng Plexibond at 7 kg ng Portland cement na ang hinalo.
Ano pa ba ang kailangan gawin? Hindi po ba magkaka-problema ang unang pinatong na Plexibond mixture? Ginamit ito sa pader ng bahay at sa roofdeck.
Salamat sa sagot.
From,
Plexibond User
Dear Plexibond User,
Salamat sa iyong inquiry at impormasyon.
Tama naman ang iyong ginawa na maghalo muli ng Boysen Plexibond mixture na may correct na ratio ng Boysen Plexibond at Portland cement. Sa bawat apat na litro ng Plexibond, hindi dapat bababa ng 6.5 kg ng semento ang hahaluin. Gayundin, hindi lalampas ng 7.5 kg ng semento ang maaring ihalo.
Pagsunod sa Waterproofing System ng Boysen Plexibond
Mahalaga ang pagsunod ng tamang mixing ratio ng Boysen Plexibond para hindi masayang ang iyong materyales, pati ang iyong effort. Sa iyong sitwasyon, hindi naman magkakaproblema ang unang naipahid na mixture na may maling timpla dahil tinakpan na ito ng mixture na may tamang timpla. Ayun nga lang, kailangan pa rin sundin ang tamang bilang ng coats para effective ang gagamitin na Boysen Plexibond.

Para sa kongkretong pader sa labas ng bahay, mag-apply ng dalawa o tatlong pahid (2–3 coats) ng Boysen Plexibond mixture. Para naman sa roof deck, tatlo hanggang limang pahid (3–5 coats) ng Boysen Plexibond ang kailangan.
Kaya kung isang pahid pa lamang ng tamang Boysen Plexibond mixture ang nagagawa, agarang sundin ang minimum na bilang ng pahid. Maghintay lamang ng dalawang oras para matuyo ang pinahid na mixture bago i-apply ang mga sumunod na coating.
Ilang Paalala sa Paggamit ng Boysen Plexibond
Isa pa sa kailangan tandaan kapag nagpapalagay ng waterproofing gamit ang Boysen Plexibond ay ang pag-apply ng pintura bilang topcoat nito. Magpalipas ng isang araw para hustong matuyo ang huling pahid ng Plexibond.
Para sa pader, magpintura gamit ang mga topcoats para sa panlabas na pader. Ilan sa mga maaari mong gamitin ay Boysen Permacoat Latex o Titan Superflex Elastomeric Paint.


Para naman sa roof deck, maglagay ng isang pahid ng bond coat. Ang bond coat ay Boysen Plexibond na hindi hinaluan ng semento. Maglagay ng concrete o mortar topping habang basa pa ito. Pagkatapos, maaring maglagay ng pintura. Boysen Acqua Epoxy ang recommended na paint system para sa iyong roof deck. Maari ka rin gumamit ng tiles.

Sana nasagot ng husto ang iyong katanungan. Maari mo rin basahin ang artikulong ito para sa iba pang tips at paalala.
Good luck sa iyong waterproofing project, Plexibond User!
Your painting partner,
Lettie
Para sa iba pang katanungan, magtanong lang sa Paint TechTalk with Lettie. Mag-send ng email sa [email protected] o gamitin ang comment section sa ibaba.