Malaking konsiderasyon para sa maraming mga homeowners ang paggamit ng pinturang low-odor. Mahirap naman talaga magtrabaho sa mga kwarto na walang masyadong ventilation kung saan nakukulong ang mga malalakas na amoy ng mga solvent-based o oil-based na pintura.

Madalas gamitin ang mga ganitong klaseng pintura para sa kahoy, pero may options ka naman para sa produkto para sa kahoy na hindi maamoy. Kung pipinturahan mo ay low-touch, mga surface na hindi masyadong nahahawakan, maari kang gumamit ng mga pintura na water-based, tulad ng Boysen Permacoat Latex. Mahalaga lang na gumamit ng Boysen WoodPrime bilang primer.

Boysen WoodPrime | MyBoysen

Saan at Kailan Ginagamit ang Boysen WoodPrime

May mga advantages ang paggamit ng kahoy sa loob ng bahay. Ito ay magaan, madaling iporma sa iba’t ibang hugis at madaling ikabit. Madalas gamitin ang materyal na ito para sa mga kisame, pati wall paneling tulad ng crown moulding, baseboards, trimming at wainscoting.

Product Highlight: Boysen WoodPrimeKapag nag-prime ka gamit ang Boysen WoodPrime, mas magiging maayos ang kapit ng mga water-based paints na pipiliin mo bilang topcoat. Tulad ng nasabi, pwede ka magpintura gamit Boysen Permacoat Latex. Options mo rin ang Boysen Healthy Home o Virtuoso Silk Touch, mga premium topcoats na may antibacterial protection. Maraming color options ang mga produktong ito na maaring ipagawa sa mga Boysen Mix & Match Color Station.

Maari ka rin gumamit ng Boysen AcquaPro Water-Based Quick Drying Enamel, ang pinakabagong produkto ng Boysen. Ito ay water-based, low-odor na pintura para sa kahoy at bakal. 

Ang Boysen WoodPrime ay low-odor rin mismo, bagay sa mga sitwasyon na nangangailangan ng mga produkto na hindi maamoy. 

Pagpipintura Gamit ang Boysen WoodPrime

Epektibo rin ang Boysen WoodPrime kung gusto mo maiwasan ang paglitaw ng tannin stains sa kahoy.  

Ano ang tannin stains? Ito ay maitim na dumi na lumilitaw sa mga kahoy. Natural na proteksyon iyon ng puno sa mga insekto, pero kapag nagpipintura ka ng kahoy, hindi mo ito gusto makita. Product Highlight: Boysen WoodPrime - Wood tannin stain

Hindi naman madalas lumitaw ang tannin stains sa mga uri ng kahoy tulad ng plywood. Pero kung lumitaw man ito matapos magpintura ng Boysen WoodPrime, maghintay lang ng 24 na oras, at muling magpahid ng isa pang mano ng Boysen WoodPrime. Sa tulong ng primer na ito, hindi lilitaw ang tannin stains sa topcoat.

Kapag nagpipintura ka gamit ang mga water-based topcoats sa kahoy, ang masilya naman na gagamitin mo ay Boysen Masonry Putty para sa mga hairline cracks at iba pang surface imperfections. Pinapahid ito 24 hours matapos ang mano ng Boysen WoodPrime.

Pagkatapos ng dalawang oras, i-apply ang topcoat na gusto mo. Mahalaga masundang ang painting schedule para maiwasan ang mga problema sa pintura. tulad nang mabilis na pagtuklap nito.

Boysen WoodPrime: Water-Based Primer Para sa Kahoy | MyBoysen

Posible ang maganda at makulay na tahanan nang hindi gumagamit ng maamoy na produkto. Makikinabang ka sa mga features ng Boysen WoodPrime kapag ikaw ay nagpipintura gamit ang water-based na primer na ito para sa kahoy.

Kung may katanungan ka tungkol sa mga produkto, huwag mahiyang ipadala ito sa [email protected]. Maari ka rin tumawag sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 tuwing office hours para sa one-on-one na konsultasyon.

Mag-subscribe sa blog at sumali sa aming newsletter. Subaybayan ang mga bagong labas namin na mga painting tips, room inspirations at iba pa!

Author

Andrieu is the Gen-Z voice of the blog team. He is an enjoyer of art and literature. You can see him usually listening to music or playing video games.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.