Ang Boysen Plexibond ay isang cementitious waterproofing system. Maaasahan ito na panglaban sa pagtagas ng tubig sa mga concrete surfaces. Ina-apply ito sa side ng pader na tinatamaan ng tubig o positive-side waterproofing.

Bigyang karagdagang proteksyon ang bahay mo. Ayon sa Boysen Technical Service Department, ito ang mga bahagi ng bahay na mainam na malagyan ng waterproofing.

Firewall

Firewall

Parte ng fire preventive measures sa Pilipinas ang pagkakaroon ng firewall ng mga residential homes at commercial buildings. Nagsisilbing sangga ito kung sakali mang may masunog na katabing gusali.

Gawa sa kongkreto at walang bintana o butas na puwedeng pasukan ng apoy ang mga firewalls para masiguradong fire-resistant ang mga ito. At, para hindi sila gaanong pansinin, ang mga firewalls ay kadalasang naka-incorporate na sa disensyo ng bahay at pinipinturahan din.

Walang nagnanais na masubukan ang kanilang firewall. Ngunit, sigurado na mababasa ito ng ulan. Dahil dito, nirerekomenda ng mga eksperto ng Boysen na mai-waterproof ang mga firewall. Alamin kung paano mag-apply ng waterproofing sa vertical concrete surfaces sa video na ito: How to use: Boysen Plexibond.

Roof Deck

roof deck

Madaming Pinoy sa urban areas ang naglalagay ng roof deck sa kanilang bahay upang magsilbing multi-functional additional space. Halimbawa, ang roof deck ay puwede gawing sampayan ng labahing damit, event space para sa family gatherings at iba pang okasyon, o kaya naman ay espasyo para mag-relax sa labas.

Ang roof deck ay isang parte ng bahay na importanteng mai-waterproof. Kayang mabigyan ng proteksyon laban sa matinding pagulan at pagtagas ng tubig ang roof deck na tama ang pagka-waterproof gamit ang Plexibond.

Iba ang proseso ng pag-waterproof ng roof deck kumpera sa pader dahil ito ay horizontal surface. Alamin kung papaano dito: How-to Guide: Waterproofing Your Roof Deck with Boysen Plexibond.

Banyo

banyo

Siyempre, kailangan din ng waterproofing ng banyo lalo na ang sahig ng shower area. At oo, maaring gumamit ng Plexibond para rito.

Tandaan, ang Boysen Plexibond ay ina-apply lamang sa bare concrete kaya nilalagay ito bago mag-install ng tiles. Hinahalo ito sa 6.5 to 7.5 kgs na Portland cement sa bawat 4 litro ng Plexibond. Huwag ito ihalo sa kahit ano pa maliban sa semento. Hindi ito puwedeng ihalo sa tile grout, skimcoat, putty, o pintura. At, kapag ina-apply na, mas mainam na magawang patag at makinis ito para mas madaling mailatag ang tiles.

Makakahanap ng rekomendasyon para sa tile adhesive at paint products para sa banyo sa blog post na ito: Boysen for Your Bathroom: Products Recommended by Experts.

Concrete Canopy

concrete canopy

Isa pang common feature ng mga bahay sa Pilipinas ay ang concrete canopy. Kadalasang makikita ito sa ibabaw ng exterior na mga pintuan at bintana. Maliban sa pagiging decorative, ito rin ay nagsisilbing silong sa araw at ulan.

Para sa horizontal surfaces katulad ng canopies at roof decks, tandan na kailangan mag-apply ng 3 to 5 coats na mixture ng Plexibond at semento. Para sa vertical surfaces katulad ng firewalls, 2 to 3 coats lamang ang kailangan.

Karagdagang Tulong

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa paggamit ng Boysen Plexibond, pumunta sa Boysen website o Boysen app. Doon makikita ang technical info hindi lamang para sa Plexibond pero pati na rin sa iba pang Boysen products.

Kung may iba pang tanong, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng advice tungkol sa Boysen products at application. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.