Hi, Lettie.

May tagas ng tubig yung pader namin. Puwede pa ba ako magpahid ng Plexibond kung ise-scrape off ko yung existing na pintura?

Thank you.

From,
Boysen User G

Hi din, Boysen User G.

Totoo na pang-waterproofing ang Boysen Plexibond. Pero, kapag may tagas na ng tubig ang pader, highly recommended na mapaayos muna ang tagas bago mag-apply ng Plexibond.

Ipa-check muna ang pader sa professionals, tulad ng waterproofing experts o contractrors, para mahanap at masolusyunan muna ang tagas ng tubig.

Tama ka na sa bare concrete pinapahid ang Boysen Plexibond kaya kailangan na ma-scrape off ang existing na pintura. Kapag naayos na ang tagas sa at bare pa rin ang pader, puwede ka nang gumamit ng Plexibond.

Boysen Plexibond

Ito ang summary ng paggamit ng Plexibond kapag nakapagpalitada ka na:

  1. Linisin ang pader para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
  2. Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
  3. Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
  4. Magpahid ng 2 – 3 coats ng Plexibond na may recoating interval na 1 – 2 hours.
  5. Patuyuin ng at least 1 day. Magpintura ng topcoat (listahan ng maaring gamiting produkto bilang topcoat dito) para maging mas durable at effective pa ang waterproofing ng surface.

Tandaan, ang gamit ng Plexibond ay as a prevention measure laban sa water seepage. Ibig sabihin, ang best time na mag-apply ng Plexibond ay kapag bare at bago pa ang pader.

Boysen Plexibond

Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system na nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing.

Ang Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge o canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit ito sa roof deck at banyo. Tandaan na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Ibig sabihin, nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.

concrete canopy with boysen plexibond

Kung may karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng mga sagot at advice tungkol sa Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.

Good luck!

Your painting partner,
Lettie

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.