Lettie,
Puwede ba gamitin ang Plexibond para sa roofing na metal? O pang sementado lang ba and Plexibond?
Thank you.
From,
Boysen User D
Hi, Boysen User D.
Tama ka. Hindi puwedeng gamitin ang Boysen Plexibond bilang pang-waterproofing sa bubong na yero. Pang sementadong surfaces lang ito.
Ang Boysen Plexibond ay maari lamang i-apply sa bare concrete. Wala nang iba. Ibig sabihin, hindi rin ito puwede ipahid sa kongrektong may pintura at skimcoat na o i-diretso sa hollow blocks. Lalong lalo na ay hindi ito puwede i-apply sa kahoy at metal.
Marami pa rin namang areas ng bahay na makaka-benefit sa waterproofing capabilities ng Plexibond! Isa na dito ang firewall. In case gagamit ka ng Plexibong para sa pader, ito ang summary ng steps:
- Linisin ang pader para matanggal ang anumang dumi at alikabok na nasa surface.
- Maghalo ng 6.5 to 7.5 kg ng Portland na semento sa 4 liters ng Boysen Plexibond. Habang nagtatrabaho, haluin paminsan minsan ang mixture para hindi ito tumigas.
- Basain ng tubig ang surface bago magsimulang magpahid ng Plexibond.
- Sa paggamit ng Plexibond sa vertical surfaces katulad ng pader:
a. Gumamit ng textured roller kung gusto ng textured finish at mag-apply ng isang pahid ng Plexibond.
b. Gumamit ng brush kung gusto ng plain finish at mag-apply ng dalawang pahid ng Plexibond.
Ang recoating interval ng Plexibond ay 1 to 2 hours. - Magpintura ng topcoat (listahan ng maaring gamiting produkto bilang topcoat dito) para maging mas durable at effective pa ang waterproofing ng surface.
Puwede rin ang Plexibond para sa para sa mga horizontal surfaces tulad ng roof deck, pero iba ang proseso ng pag-apply. Pumunta dito para sa instructions: Alamin Kung Paano: Waterproofing ng Roof Deck Gamit ang Boysen Plexibond.
Ang Boysen Plexibond ay isang water-based cementitious waterproofing system na nakakatulong laban sa pagtagas ng tubig. Ito ay hinahalo sa Portland na semento para makagawa ng isang mixture na puwedeng gamitin pang-waterproofing.
Ang Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge at canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit din ito sa roofdeck at sahig ng banyo. Tandaan na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Ibig sabihin, nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.
Kung may karagdagang katanungan, ang Boysen Technical Team ay handang magbigay ng mga sagot at advice tungkol sa Boysen Plexibond. Tumawag lamang sa (02) 8363-9738 local 413 to 418 during office hours.
Your painting partner,
Lettie
Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.