Hi, Lettie.
Saan po puwede magpatimpla ng paint color na per 1 liter lang?
Meron akong five options for colors. Luna Moon, Dove White, Shell Tint, Just About White, at Prismatic Pearl. Samples lang sana muna papatimpla ko.
Thanks!
From,
Boysen User Y
—
Hi, Boysen User Y!
Hindi nga naman madali mamili ng kulay. Kung hindi makapag-decide, ang laging advice namin dito sa Boysen ay mag-sample muna ng mga napiling color options bago mag-commit. Kaya good job!
Sa The Color Library puwedeng puwede magpatimpla ng Boysen paint colors sa 1 L containers. Meron din silang 200 mL containers if prefer mo ng mas maliit pa na lalagyan.
More than 1,300 paint colors ang available sa The Color Library at kasama na doon ang mga options mo. Matitimpla ang mga kulay na ito as Boysen Permacoat na may flat o semi-gloss na finish.
Napansin ko din na mga off-whites ang mga kulay na napili mo. Sa The Color Library, may isang buong wall ng neutral paint color swatches, including off-whites, na puwede mo rin pagpilian at ipa-mix sa store mismo.
If hindi ka pa familiar sa The Color Library, ito ay ang concept store ng Boysen Paints. Dito, may hand-picked color collection na naka-arrange sa floor-to-ceiling shelves. Para siyang totoong library! “Colorbooks” ang tawag namin sa mga swatches sa The Color Library at sa label ng bawat isa matatagpuan ang mga important info tungkol sa kulay na iyon.
Hindi lang swatches at pintura ang meron sa The Color Library. Available din dito ang Fuyama paint brushes at rollers. At, depende sa stock, maari rin makabili ng Boysen fan decks.
Matatagpuan ang The Color Library sa MOA Square, SM Mall of Asia Complex, Pasay City. Malapit lang siya sa IKEA. Tara?
Your painting partner,
Lettie
Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.
3 Comments
Hello, Good day po, Maam and Sir!
Im Mathew Baluran po studying BSIT- Major in Draft in Cvsu Ccat Rosario, Cavite.
ask ko lang po kung nag cocustomized po ba kayo ng portable paint Mix and match machine?
gagamitin lang po sa thesis at prototype po ,maraming salamat po.
Para sa iyong tanong, based on our records, may nakausap po kami sa aming Facebook Page (https://www.facebook.com/BoysenPaintsPhilippines) na may parehong katanungan. By any chance, same person po ba ang kausap namin?
Hello, Good day po, Maam and Sir!
Im Mathew Baluran po studying BSIT- Major in Draft in Cvsu Ccat Rosario, Cavite.
ask ko lang po kung nag cocustomized po ba kayo ng portable paint Mix and match machine?
gagamitin lang po sa thesis at prototype po ,maraming salamat po.