Good day po.

Hingi lang sana ako ng tulong regarding sa positive-side waterproofing ng concrete wall na nasa underground.

Pinahukay ko yung gilid ng underground wall para malagyan ng waterproofing. After ko mag-apply ng Boysen Plexibond, lalagyan ko sana ng topcat. Tapos, tatabunan na siya ng lupa. Bale, magiging exposed yung wall sa lupa. Puwede po ba yun?

Honestly, wala po kasi ako sa Pinas ngayon as an OFW. Pamilya ko lang nandoon na di naman masyado marunong sa ganitong bagay. Gusto ko lang sana na maayos yung waterproofing ng pinatayo kong bahay.

Maraming salamat po.

From,
Boysen User J

Hi, Boysen User J.

Sa aking pagkakaintindi, yung exterior ng underground level ng bahay ang gusto mong ipa-waterproof, tama po ba? Kaya mo pinatanggal yung lupa. Tapos, pagka-waterproof, ay papatabunan mo ulit.

Homes in High Humidity Areas: Waterproofing and Painting Guide | MyBoysen

Boysen Plexibond is designed to be used on walls na exposed sa tubig kaya ito tinatawag na positive-side waterproofing. Pero ibang usapan na kapag malulubog siya sa lupa. Hindi po siya designed for this use and purpose.

Hindi naman din puwede sa interior walls i-apply si Plexibond dahil, as mentioned, positive-side waterproofing ito. Gumagana siya kapag directly exposed to water and moisture ang surface katulad ng sa firewalls, roof decks, at mga CR. Kapag sa interior walls nais mag-apply, kailangan ng negative-side waterproofing product.

Roof painting

Dahil sa mga dahilan na ito, wala kami maire-rekomendang Boysen product for your specific needs. Mas mainam na kumunsulta sa waterproofing experts. Sayang naman ang pinaghirapang bahay kung madaling masira at maluma dahil sa water seepage.

Nevertheless, thank you sa pag reach out sa amin! Nandito ang Boysen Technical Service Department para makatulong with any inquiries na meron ka—nasaan ka man. Maaasahan ang serbisyo namin ng mga nagsusumikap na OFW katulad niyo.

Always free ang consultation with our capable engineers. Message ka po ulit if may iba ka pang katanungan regarding sa paggamit sa Boysen products.

Ingat po!

Your painting partner,
Lettie

Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.