Hello, Lettie.

Puwede ba gamitin ang Plexibond sa loob ng cistern tank?

Thank you.

From,
Boysen User J

Hello rin po, Boysen User J.

Thank you for your message! Masaya ako na naisip niyo ang Boysen para sa project niyo.

Paint TechTalk with Lettie: Puwede ba ang Plexibond sa Loob ng Cistern Tank? | MyBoysen

Kaya lang hindi puwedeng gamiting ang Boysen Plexibond sa loob ng cistern tank. Kahit na for waterproofing ang Plexibond, hindi siya formulated for use sa mga submerged areas katulad ng ponds, pools, at sa loob ng tanks. At sa ngayon, wala kaming produkto na babagay sa project niyo.

Boysen Plexibond | MyBoysen

Kung hindi puwede ang Plexibond sa mga lugar na nakalubog sa tubig, saan siya puwede gamitin? Ang Boysen Plexibond ay popular na ginagamit as waterproofing ng firewall, ledge/canopy, concrete gutter, at parapet wall. Para naman sa horizontal applications, ginagamit din ito sa roofdeck at sahig ng banyo.

Tandaan din na pang “positive side” waterproofing ang Boysen Plexibond. Ibig sabihin, nilalagay ito sa gawi ng pader na nababasa ng tubig.

Paint TechTalk with Lettie: Puwede ba ang Plexibond sa Loob ng Cistern Tank? | MyBoysen

Isa pang importanteng maalala: Ang Plexibond ay recommended lamang na i-apply sa bare concrete surfaces at sa mga bagong palitada. Huwag siyang gamitin sa mga pader na may pintura at tiles na.

Kapag may pintura na ang pader, kailangan munang bakbakin ang existing paint. Pagkatapos, sundin ang nararapat na surface preparation procedure bago ilagay ang Boysen Plexibond. Pinturahan din ito ng topcoat para maging mas durable at effective pa ang waterproofing ng surface. Click here para sa product info sheet ng Boysen Plexibond.

Sa uulitin, maraming salamat sa tiwala sa Boysen products! Wishing you the best sa paghanap ng nararapat para sa iyong cistern tank!

Your painting partner,
Lettie

Need advice? Paint TechTalk with Lettie is here for you. Comment your painting question below or send an email to ask@myboysen.com.

Author

Jill is a writer on a continuous journey to learn about paint and share them with you, the reader. She has an interest in the technical side of things but also thoroughly enjoys playing with colors. She likes calm greens, quiet blues, and mellow yellows best.

Write A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.